Advertisers
INARESTO ang isang lalaki na taga-karyo ng panabong na manok sa sabungan nang pilipitin nito ang leeg ng manok ng kalaban upang matalo sa Bacoor City, Cavite, Linggo ng hapon.
Kasong paglabag sa Article 318 ng Revised Penal Code (Other Forms of Deceits) ang kinakaharap ng taga-karyo na si alyas “Ronald”, 59 anyos, ng Malanday, Marikina City, dahil sa reklamo ng Inspector/Checker ng Salinas 1, Bacoor City.
Sa ulat, 1:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa Cavite Coliseum sa Barangay Salinas 1 kungsaan nagsimula ang pustahan sa mga tumataya ng mga panabong at kabilang ang panabong ng biktima sa mga lalaban.
Nang mag-umpisa nang bitawan ng nagka-karyo ng panabong ng manok, napansin ng may-ari ng manok na si alyas Eddie na pinilipit nito ang leeg ng kanyang manok kaya kinompronta nito ang taga-karyo.
Dahil dito, natigil ang laban, dinala ang taga-karyo sa security office at itinurn-over sa pulisya.