Advertisers
KINUMPIRMA ng Senate’s Electronic Data Processing and Management Information Systems (EDP-MIS) na na-hack o nabago ang laman ng kanilang official website, habang isang grupo ng mga hinihinalang hacker ang umako ng pananagutan sa insidente.
Bunsod nito, pansamantalang isinailalim sa maintenance ang website ng Senado makaraang akuin ng grupong Nullsec Philippines na nabago nila ang laman o itsura ng isang pahina ng opisyal na website ng institusyon.
Ang mga screenshot na kumalat sa social media ay nagpapakita ng isang mensahe na kumokondena sa korapsyon at nananawagan ng transparency at accountability sa pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Senado na nagsagawa na ito ng imbestigasyon upang alamin ang buong detalye at pinagmulan ng insidente.
“Upon detection of the incident, our technical team immediately initiated security protocols, contained the issue, and commenced a comprehensive investigation to determine the cause and extent of the unauthorized activity.”
“Additional security measures are also being implemented to prevent similar incidents from occurring in the future,” nakasaad pa sa paha- yag.
Wala naman umanong confidential o sensitibong impormasyon ang nakompromiso o nakuha.
“The website primarily contains publicly available documents and informational materials intended for public access,” anila.
“We assure the public that protecting the integrity and availability of our systems remains a top priority. We continue to closely monitor the situation and will provide updates as necessary,” nakasaad pa sa pahayag.
Nabatid na ang defacement ay isang uri ng cyberattack kung saan binabago ng mga hacker o hacktivist ang itsura o nilalaman ng isang website, ayon sa Canadian Centre for Cyber Security. (Mylene Alfonso)