Advertisers
BIBIYAHE sa Russia si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Hunyo 17 hanggang Hunyo 18, 2026 upang dumalo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit.
Pahayag ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, tatalakayin sa summit ang naging takbo ng kooperasyon ng ASEAN at Russia, gayundin ang mga susunod na hakbang upang higit pang mapalalim ang kanilang relasyon at pakikipagtulungan.
Mahalaga aniyang maka-dalo ang pangulo sa naturang pagpupulong dahil ang Pilipinas ang kasalukuyang chair ng ASEAN, kasabay ng paggunita sa ika-35 anibersaryo ng ugnayan ng ASEAN at Russia.
Gayunpaman, wala pang impormasyon kung magkakaroon ng hiwalay na bilateral meeting si Pangulong Marcos kay Russian President Vladimir Putin. (Vanz Fernandez)