Advertisers

Advertisers

SOCIAL MEDIA PERSONALITY NA SI DIWATA, INARESTO NG PASAY POLICE

0 49

Advertisers

ISANG sumisikat na social media personality ang inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police dahil sa dating kinahaharap na kasong slight physical injuries noong taon 2018 sa lungsod ng Pasay.

Sa ulat ng Pasay City Police, si Deo Balbuena, mas tanyag sa alyas ‘Diwata’, 42, ay dinakip ng pulisya nitong Abril 16, sa Diokno Boulevard, Brgy 76, Pasay City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Allan B. Ariola, ng Branch 48.

Noong Oktubre 2, 2018 inisyu ang arrest order bunsod sa kinahaharap na kasong slight physical injuries.



Sa ulat na isinumite ni Pasay City Police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. sa Southern Police District (SPD), naganap ang pag-aresto kay Balbuena dakong alas-10 ng umaga sa pwesto ng kanyang karinderya na ‘Diwata Pares-Pares Overload”.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Diwata dahil sa kanyang kainan na malapit sa Senado matapos maging dahilan ito ng pagsikip ng trapiko sa lugar.



Nadiskubre rin na walang permit ang puwesto ni Diwata kaya pinatigil hanggang sa lumapit ito ng tulong kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at pinayagan itong magpatuloy ng operasyon pero kailangan na maiayos ang mga kaukulang permit sa loob ng dalawang buwan.

Matapos maaresto si Diwata, nakapaghain na rin ng piyansang P3,000 para sa pansamantalang kalayaan. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">