Advertisers

Advertisers

Tansingco hinikayat ang publiko na i-report ang mga illegal aliens sa service caravan ng BI

0 43

Advertisers

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga indibidwal na naninirahan sa Iloilo at mga katabing mga lugar na i-report ang mga illegal aliens sa kanilang intelligence team sa isinagawang service caravan ng ahensya.

Sinabi ni Tansingco na sa Mindanao leg ng “Bagong Immigration” caravan, may mga indibidwal na nag-ulat ng illegal aliens na nasa kanilang lugar.

“We are serious in our drive against illegal aliens, hence we bring our people closer to the communities to get on the ground information about foreigners who are not complying with immigration laws,” pahayag nito.



Sinabi ni Tansingco na welcome sa kanila ang mga reports kontra illegal aliens at foreign sexual predators na maaaring nagtatago sa mga malalayong probinsya.

“As part of our #ShieldKids Campaign, we have intelligence personnel joining our caravan to receive information from community members regarding foreign sexual predators and sex tourists that might be plaguing their area,” nauna ng sinabi nito.



Ang second leg ng BI’s service caravan ay sa April 17 sa Seda Hotel sa Iloilo.

Napapabilis ng caravan ang proseso para sa iba’t-ibang BI transactions, tulad ng tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang essential clearances.



Nakatakdang buksan ng BI ang kanilang service caravan sa Baguio sa May 8, at Batangas Naman ay June 5. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)