Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
NAGING madalas ang punta ko sa Vigan City pag weekend noong nasa PCSO ako dahil boss ko si Honeygirl Singson de Leon, dating chairman sa tanggapan ng PCSO.
Dahil kasama ko si Ma’am Honeygirl ay madalas ko rin makita noon sina Bongbong at Liza Marcos sa mga pagtitipon ng mga Singson clan.
Naging mabait at mapagkumbaba si Liza sa akin at tumatak iyon sa aking isipan magpahanggang ngayon.
Minsan niyaya ko siyang kumain pero sabi niya mauna na raw ako kumain ng dinner. Kaya nauna akong pumila. Later on, pumila rin sina Liza at Bongbong.
Mabuting ina si Liza dahil hindi niya nakakalimutang alalahanin ang kanyang mga anak.
Sayang di kami nakapagkwentuhang matagal noon. At di ko rin alam kung maalala pa niya ako.
Sa ngayon ay natuwa naman ako dahil nandoon si First Lady Liza Marcos sa pagpupulong nina Oscar-winning film producer David Shim at mga Filipino movie and entertainment industry representatives (nandoon sina direktor Joel Lamangan at Joey Reyes na pinuno na ng FDCP) na ginanap sa Solaire Hotel noong Abril 19, 2024.***
SI Elia Ilano (alternating si Francine Galvez) ang gaganap na batang Maria Goretti. Ang Maria Goretti the Musical ay sa panulat at direksiyon ni Atty. Vince M. Tanada.
Noon 2019, si Elia ang gumanap na batang Nadine Lustre sa pelikulang Ulan ng Viva Films.
***
ANG pag-awit ni Johnrey Rivas ng Habang May Buhay sa libreng passion concert, courtesy ng Philstagers, noong Semana Santa ay tumatak sa mga manonood. Talagang napakahusay ng kanyang pagganap bilang isang suffering Jesus Christ.
Nakatanggap siya ng standing ovation mula sa audience na dumalo pa buhat sa malalayong lugar upang mapanood siya sa PSF Blackbox Theatre sa Sampaloc, Manila.
Una kong napanood si Johnrey sa BL series na Why Love Why, isang indie film produced ng Philstagers Films, at eye-catching ang pagganap niya roon.
Si Johnrey ay naging Best Featured Actor at Best Male Crossover Artist noong 2019 sa 2020 Aliw Awards, respectively. Noong 38th PMPC Star Awards, siya’y naging Best Movie Supporting Actor of the Year. Sa 70th FAMAS Awards, siya’y nagwagi bilang Best Supporting Actor dahil sa kanyang napakahusay na pagganap bilang si Art sa KATIPS: the Movie.
Gumanap din siya sa Joe the Movie, Ako Si Ninoy, and Bangkay (base sa Don Palanca Memorial Awards full-length entry winner na isinulat ni Vince Tanada; malapit na itong ipalabas sa international film festivals).
Si Johnrey ang direktor ng short film Zomnia at BL movie Twinkle Twinkie Little Star the Series. Sa Hunyo naman ipalalabas ang MY Boo the Series na kanyang idinirek.
Nagtapos sa Tondo High School sa Maynila, si Johnrey ay nagsimula bilang isang workshop participant sa PSF Theatre Company noong 2011 at 2014. Sa simula’y naging usher muna siya hanggang sa maging isang theatre actor noong siya’y 16. Gumanap siya bilang Pancho sa Filipinas 1941, Mark Lory Clemencio sa #Popepular, Jose Rizal sa Obra ni Juan, Andres Bonifacio sa Supremo Redux, Nestor sa Sindak 1941, at Jayriz (makabagong Jose Rizal) sa Bayani’s Love: HERO Z.
Gumaganap siya bilang Alessandro (alternating si Fidel Redado) sa Maria Goretti the Musical na nagsimula ng Abril 22 at mapapanood muli sa Abril 23, 24, 25 at 29 sa SM North EDSa Sky Dome sa pakikipagtulungan ng Best Link Colleges of the Philippines, kung saan si Johnrey nagtapos ng kolehiyo.
Si Johnrey ang kasalukuyang pangulo ng PSF Theater Company at pinuno ng PSF Digital Department, kilala bilang Stagers Channel.
***
ATING suportahan si Lou Bonnevie sa Earthday Jam 2024 sa Abril 27, sa ganap na 3 pm sa SM Novaliches Activity Center. Makakasama niya sina Gracenote, This Band, Paraluman, Nyoy Volante, Banda ni Kleggy, Clean Champ, Arthur Miguel at marami pang ibang lalahok.