KC pinatunayang ‘di pa hiwalay sa Swiss bf; Patrick nagpasalamat sa mga nakiramay sa pagpanaw ng ermat
Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
NAGING malapit kami sa Ina nina Patrick at Cheska Diaz na si Mommy Bing.
Nung mga panahong nasa kainitan ng showbiz career ni Patrick at isa pa ang aktor sa miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN.
When in fact sa ilang bday parties namin ay laging present si Patrick kasama si Mommy Bing.
Kaya kami man ay nabigla nang makarating sa amin ang balitang pumanaw na si Mommy Bing Velasco.
Ayon pa Kay Patrick ay heart attack daw ang ikinamatay ng ina niya na 70 years old na.
Sey pa ni Patrick, hindi raw niya akalaing ganun karami ang makikiramay sa kanila
“The family is overwhelmed by the sympathy given by our relatives and friends, thank you. Just please give us some personal time to grieve and process everything that has happened,” lahad ng aktor.
Kuwento pa ng aktor na biglaan at hindi raw nila inaasahan ang pagkamatay ng ina nila.
Asikasung-asıkaso nina Patrick at punong-abala ang magkapatid, kasama ang kanilang mga asawa na sina Nikka Garcia at Doug Kramer sa pag-eestima ng mga nakikiramay sa pamilya sa Arlington Chapel, Araneta Avenue, Quezon City, simula Abril 23, Martes.
Ilang dating kasamahan sa showbiz ang nakiramay kina Patrick pero hindi na namin namataan si Jennylyn Mercado at anak.
***
NATULOY na rin ang inaabangang pagpirma ng kontrata ng All TV at ABS-CBN.
Present sa contract signing sina Manny, Mark, at Camille Villar na napakaraming tarps na paramdam ngayon sa Kamaynilaan, siyempre magandang isipin na hindi sila makikialam sa content pero pagdating sa usaping pulitika pwede rin kayang hindi, huh!
So tuloy na ang pagpapalabas ng mga programang TV Patrol, ASAP at iba pang shows ng ABS-CBN sa istasyong pag-aari ng mga Villar, huh!
***
ABSENT ang Filipino-Swiss boyfriend ni KC Concepcion na si Mike Wuethrich sa birthday salubong ng aktres pero nagpadala raw ito ng flowers at sweet card all the way from Switzerland huh!
Special mention pa nga ang kanyang boyfriend na tinawag niyang Swizzy na tila kanyang endearment at sinabing “Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room.”
So walang katotohanan ang kumakalat na isyung hiwalay na raw sina KC at boyfriend nito, huh!
Ilang araw lang after her b-day ay ang Swizzy naman niya ang nagselebreyt ng birthday at nag-post siya ng pagbati rito.
“happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two. i enjoy every adventure you take me to and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you. i enjoy your smile when i see it so keep smiling!” bahagi ng kanyang mensahe kay Mike.
Well, matutuloy na kaya sa kasalan ang relasyon nila ngayong 39 na si KC?
Let’s wait and see.