Advertisers
INIREKOMENDA ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tapusin ang School Year 2024-2025 sa Marso 2025 sa gitna ng panawagan para sa agarang pagbabalik sa April-May school break.
“The department has already submitted a letter to the Office of the President, presenting other options, including a more aggressive alternative of ending SY 2024-2025 in March,” wika ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas sa pagdinig ng Senate committee on basic education.
“We respectfully appeal to the committee to allow the President time to study the options carefully. DepEd commits to implement this decision accordingly,” sabi ni Bringas.
Nauna nang inihayag ng DepEd na aabutin ng hindi bababa sa tatlong taon bago bumalik ang school break sa Abril-Mayo.
Ayon pa kay Bringas, ang pagtatapos ng school year sa Marso 2025 ay bababa ang school calendar na 165 araw.
Samantala, maaapektuhan aniya ng panukala ang school break ng mga guro pati na rin ang mga mag-aaral.
“Because if they will end March 31, we will start in June. April, May, they would still have that break but medyo siksik. Magiging siksik ‘yung ating pagtackle ng mga competencies natin in the shorter number of days,” paliwanag niya.
Binanggit naman ni Senador Sherwin Gatchalian, naniniwala siyang ang gobyerno ay dapat “magsagawa ng agresibong hakbang.”
Nang tanungin ni Gatchalian kung ang ibig sabihin nito ay magkakaroon ng pasok tuwing Sabado.
Tugon ni Bringas, “Definitely Saturdays… Iyun yung sinasabi natin na isa sa mga compromises natin because if we do that aggressively then sacrifice natin yung some hours for the learners and some days for the teachers.” (Mylene Alfonso)