Advertisers

Advertisers

PDEA DG MORO LAZO,INILAMPASO LANG NG ISANG EX-PO1 SA SENADO

0 36

Advertisers

Nakakahiya!

Nakakasuka!

‘Yan ang majority comments ng mga netizens sa viral video ng proceedings sa ginanap na Senate hearing ng committee ni Senador Ronald Bato Dela Rosa Martes ng umaga patungkol sa pagsisinungaling ni PDEA Director General Lorenzo Moro Lazo.



Kinuyog pa nga ni Lazo ang Senate WHISTLE- BLOWER na si EX- PO1 Jonathan Morales na dating imbestigador ng PDEA Investigation and Intelligence Service ( IIS).

Si Morales ang imbestigador na gumawa at pumirma sa Pre Operational Report at Request to Operate laban sa cocaine users na si Bongbong Marcos aka BONGET at aktress na si Maricel Soriano alias Maria.



Pinipilit ni DG Lazo na peke ang nasabing dokumentong naglalahad na noong March 12,2012 ay may intelligence report na nagsasabing gumagamit si Bongbong Marcos na noon ay senador pa lamang at ang aktress na si Maricel Soriano ng droga sa Rizal Tower,Rockwell, Makati.

Pinanindigan ni ex-PO1 Morales na siya ang kumuha ng detalye at nag- imbestiga sa isang walk- in informant patungkol sa nefarious activities ni Marcos at Soriano.



Salungat ito sa claim ni DG Lazo na walang ganuong dokumento o record sa kanilang tanggapan.

Bitbit pa ni Lazo ang siyam (9) na testigo na pawang dating kasamahan ni ex- PO1 Morales na nananatiling active pa sa serbisyo at nasa PDEA pa rin hanggang ngayon.

INILAMPASO ni Morales di lang si Lazo kundi ang 9 pang karay- karay nitong testigo.

Nakita at narinig ng sambayanang Pilipino kung paano mamilipit sa pagsisinungaling ang hepe ng PDEA na si Lazo

Matapang ding pinanindigan ng dating PDEA agent na si Morales na legit at totoo ang mga dukomentong nagsasabi na may report ngang ganon sa PDEA patungkol sa paggamit ng droga ni Bongbong Marcos aka BONGET.

Suma- total,lalo lamang nabaon ang kasalukuyang Pangulong Marcos sa isyung ito.

Hindi bobo at tanga ang mga Pilipino.

Lalong di tanga at tolongges ang liderato ng AFP at kapulisan para di mabatid ang kasinungalingan na pilit na isinusubo sa Senate committee hearing.

Di na mahalaga ngayon kung ano ang mangyayari sa bangagerong presidente!

Ang importante,nabatid na ng buong sambayanang Pilipino ang buong katotohanan.

Kung mananatiling nasa poder ang adik na Presidente ay nasa paghuhusga na ng sambayanan ‘ yan.

Ang importante ngayon,masusukat natin ang uri at kalidad ng pamilya Marcos.

Kung kakayanin pa nilang humarap sa tao at pamunuan ang bansang ito kahit wala ng dangal at dignidad na natitira pa sa kanilang pagiging tao

Kung mangungunyapit pa rin sila sa poder dahil hawak pa nila ang liderato ng militar at Kongreso,bahala sila sa buhay nila.

Buong pamilya Marcos na ang magdadala nito sa kanilang konsensiya kung may kakarampot pa ngang konsensiyang natitira?

Pero ang dating respeto at paggalang sa nakaupong Pangulo ay wala na!

Nilusaw na ng katotohanang drug user siya na nagtatanggal sa kanya ng karapatang patuloy na pamahalaan at pamunuan ang bansang ito.

Wala siyang moral ascendancy na maging isang presidente at lider ng bansang ito.

As this story unfolds, alam natin na kahit simpleng tulog ay di magagawa ni Marcos Jr. dahil patuloy siyang hahabulin at babagabagin ng kanyang konsensiya.

Tama ang kasabihan,walang bahong di sisingaw kahit pa nga gawin mo na ang lahat ng pagtatago at pagtatakip.

Gamitin mo na lahat ang mga opisyal ng gobyerno at your disposal,mababalewa lahat.

Karma is digital at muli,malalasap ng pamilya Marcos ang pagtakwil ng sambayanang Pilipino sa kanilng lahi.

Sayang ang ikalawang pagkakataong ipinagkaloob sa inyo ng taong bayan!

Nasa dugo nyo kasi ang pagiging palalo at sakim sa kapangyarihan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com