Advertisers

Advertisers

DRUG/VICE OPS SA NONONG CASTO, MAY BASBAS NI MAYOR ALILIO?

0 1,292

Advertisers

KAILANGANG kumilos na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil upang masolusyunan ang suliranin sa dati ay tourist haven na Brgy. Nonong Casto sa bayan ni Mayor Ian Kenneth Alilio.

Hindi lamang pinagdududahang “kotong” na paniningil ng entrance fee sa bawat indibidwal na nagtutungo sa naturang barangay kundi pati na ang lantarang pasugalan doon na prente ng bentahan ng shabu.

Ang paniningil ng halagang Php 30 bawat tao na papasok sa Brgy. Nonong Casto ay binabatikos ng marami na isang uri ng extortion activity pagkat wala namang iniisyung resibo ang barangay tanod na nagbabantay sa outpost pagpasok pa lamang sa barangay.



Makikita pagpasok sa barangay ay mga color games, beto-beto at saklaan na dinudumog ng mga mananaya at mga batos ng pasugalan. Ang mga batos o kunyari ay mga mananaya na empleyado ng pasugalan ng isang Jessica ay lantaran ang pagbebenta ng shabu.

Ipinagyayabang ni alyas Jessica na may permit ang kanilang sugalan mula kay Lemery Mayor Ian Kenneth Alilo at maging ni Lemery Police Chief LtCol. Ronnie Siriban.



Ngunit sino kayang bobo na mayor at police chief ang magbibigay ng permit sa pasugalan at shabuhan? Hindi ang katulad nina Mayor Alilio at LtCol. Siriban.

Tila walang alam sa mga nangyayaring kabulastugan doon si Batangas PNP Provincial Director Samson Belmonte. Wala nga bang alam si PD Belmonte sa gambling/drug ops sa Brgy. Nonong Casto o ito ay nagmumuwang-muwangan lamang?



Bagama’t walang iniiisyung resibo sa bawat indibiwal na nagtutungo sa naturang barangay ay salang-sala ng nakaposteng barangay tanod ang “entrance fees” sa bawat dumarating na mamamayan ng naturang barangay, bakasyunista man o mga indibidwal na nagtutungo doon sa iba’t ibang kadahilanan.

Sugal na color games, cara y cruz (tao-ibon) beto-beto at sakla na noong pang katatapos lamang ng 2022 election ay inumpisahan ang operasyon ng kung tawagin ay Mam Jessica at kasalukuyang kinahihibangan maging ng mga bakasyunistang nagliliwaliw sa beach ng barangay.

Nakatambay din doon ang mga kubrador ng STL con jueteng o bookies ng bangkerong si Ricalde na kasabay din ng pag-upo ni Mayor Alilio ay sumulpot ang operasyon ng bookies sa 30 barangay ng Lemery.

Pinaka malakas ang kubransa sa bookies sa mga barangay ng Nonong Casto, District 1-1V, Poblacion; Payapa Ilaya; Palanas; Sambat Ilaya, Mataas na Bayan; Matinggain; Wawa, Sinisian East and West; Arumahan, Ayao-Iyao, Bucal; Cahilan 1 & II; Dayapan at Sambat Ilaya.

Si Ricalde din ang operator ng STL bookies sa bayan ni San Luis Mayor Oscarlito Hernandez at magpahanggang sa probinsya ng Laguna at Rizal ay nag-ooperate din ito ng naturang ilegal na pasugal.

Pinalitan ni Ricalde si alyas Mandy at Maricel na dati ay hari-hari ng bookies operation sa Lemery ngunit napagdudahang sumuporta sa kalaban ni Mayor Alilo. Nakatagpo naman ang dalawa ng bagong kaharian sa bayan ni Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado. Binubusog naman kaya sa intelhencia nina alyas Mandy at ng tusong si Maricel sina Taal Police Chief Capt. Rommel Magno?

Malabo nang tangkilikin ng mga taga Lemery ang kandidatura ng batang Alilio pagkat langit at lupa ang agwat nito sa kanyang nasirang ama na simula’t-simula ay minahal at tinangkilik ng mga taga Lemery bagamat naging biktima ito ng political persecution ng Digong Administration.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144