Advertisers
MARAMING nanghihinayang na mga nagtiwala at nagmamahal sa ating idol Pangulo.
Mataas ang ekspektasyon ng mga nagluklok sa kanya sa pinakamataas na poder ng kapangyarihan sa ating nasyon.
Lalo na iyong mga taong malaki ang sakripisyo at di bumitaw sa kanya thru thick and thin.
Pati iyong iilang media entities at socmed na nagkaloob ng espasyo sa himpapawid at contents na pinagkait ng mga mainstream media noong panahon ng kampanya.
Nagbunyi ang balana nang pormal na siyang tanghaling ama ng Sambayanang Pilipino at lalong humanga sa mga binubulalas na kataga sa kanyang talumpati na kung wawariin ay galing sa puso dahil di sìya nagbabasa kasing-husay ng kanyang ama na pangulong orador ding nauna.
Pero sa pag-ikot ng panahon ng bata pa niyang termino, tila maling paa ang kanyang naihakbang na una. Ito ay nang nagsimila nang mangelam ang mga nakapaligid na di akalaing dilawan pala.
Ang mga pinagkatiwalaan at nakatulong ng malaki sa kanyang madawag na lakbay sa Palasyo ang mga unang nasipa palabas nang poder dahil sa bulong ng mga payaso sa kanyang tainga na sumakay lang sa bandwagon ng kapangyarihan nang nasa trono na ang batang Makoy.
Kabaligtaran sa tikas at tapang ng dating strongman Apo Ferdinand ay superbait at di yata marunong magalit ang nakaupong Lakay Jr. kaya mas lutang ang epal ng mga nangengelam sa kanyang palakad na nasa tungki lang ng ilong nito. Silang mga walang mandato at hindi ibinoto ang mas may timon sa mga desisyong ang Pangulo lang dapat nagpapatupad.
Una ring tinarget ang prangkisa ng network na kasangga niya sa pakikibaka noong wala pa sa posisyon.
Pati ang dating lider na tanging nagmalasalit na ipalibing ang kanyang ama na marapat lang sa libingan ng mga bayani ay pinupuntirya ng mga sipsip sa batang Apo Lakay.
Dahil sa kabaitan ay sinasamantala na ito ng mga kruks sa paligid na nagsibundat ang tiyan sa maikling panahon lang.
Di pa naman huli mahal naming lider.
Di kelangan bumaba.
Humakbang na lang sa right footing, makinig sa hinaing ng mayorya na nakasama rin sa pakikibaka, hindi sila kaaway.Kalusin ang mga tunay na liabilities para sa maaliwalas na hinaharap ng bayan ni Juan at wag mamaliitin o sisikilin ang mga nagra-rally na nais lang ipaabot ang kanilang hinaing at dismaya sa mga natuntong lang sa kalabaw ay feeling presidente rin sila.Deja Vu?…ABANGAN!!
LOWCUT:
Galamano sa ating colleague na siya na ngayong Commissioner ng sasargong SBA pro billiards league sa Sharks Mecca of Pool sa Kyusi na inanuncio ni SBA Founder/ CEO Hadley Mariano.
Oldabest Kume.Dating naging Commissioner din ng PBL noon si Kume Trinidad.Dahil halos ang mga team owners sa PBL ay mga Chinese ay pabiro kong sinabi sa kanya sa presscon na kaya sya hinirang ng Commissioner kasi CHINO siya! Sa SBA , si Hadley ang brain at si Kume ang muscle…Mismo!