Advertisers
NAKAMIT ni Eala ang isa pang milestone matapos marating ang career-high singles ranking na 162 sa Women’s Tennis Association (WTA) ngayong Linggo.
Eala, na mag 19 sa loob ng dalawang Linggo, tumalon ng pitong notches simula sa No.169 kasunod ng kanyang second-round finish sa prestihiyosong Mutua Madrid Open sa Spain ngayon buwan.
Sa tournament, pinatalsik ang world No.41 Lesia Tsurenko ng Ukraine, 2-6, 6-4, 6-4, natalo sa world No.30 Sorana Cirstea.
Saglit na nag improved ang doubles ranking ni Eala mula sa No.243 to 239.
“Another opportunity to keep learning and growing. Leaving Madrid with a smile and a bit more knowledge in my pocket,” Sulat ni Eala sa social media kasunod ng kanyang stint.
Babalik si Eala sa kumpetisyon ngayon Linggo sa W75 Zagreb International Tennis Federation (ITF) sa Croatia bago sasabak sa Roland Garros Qualifying sa susunod na Linggo.