Advertisers

Advertisers

PH humakot ng medalya sa HK Athletics Championships

0 41

Advertisers

ANG Philippine national athletics team ay humakot ng limang medalya tampok ang 3 ginto sa 2024 HongKong Athletics Championships.

Tokyo Olympian Kristina Knott, Lauren Hoffman at Hussien Lorana pinagharian ang kanilang kanya-kanyang events sa Mayo 4 – 5 tournament na nagalok ng paris Olympic qualifying points.

Knott may oras na 11.52 seconds para magtapos first sa 19-athlete field sa women’s open 100m category finals.



Home bets Pui Kei Chan at Tsz Yuen Luo binulsa ang silver at bronze medals sa tiyempong 11.82 at 11.86 seconds, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, si Hoffman tinawid ang finish line sa women’s open 400m hurdles sa 57.15 seconds para mangibabaw sa pitong player na sumabak kabilang ang isang Filipino athlete Roby Brown.



Brown nagtapos na pangalawa kay Hoffman para makamit ang silver medal sa oras na 57.59 seconds habang ang pambato ng HongKong Ying Wen Ashleigh MA binulsa ang bronze sa kanyang oras na 1:04.02.

Lorana ay nagsumite ng oras na 1: 52.11 para masungkit ang gold sa men’s open 800m event na may pangkalahatang 17 kalahok.



Samantala, Janry Ubas nalundag ang 7.61m para masungkit ang bronze sa 14-player field men’s long jump, na komumpleto sa Philippine medal haul.

Ubas nagtapos sa likuran ng silver medalist sa Hong Kong Ming Tai Chan at gold winner sa Taiwan Hua-Yu Wen na nalundag ang 7.81 at 7.75, ayon sa pagkakasunod.

Ang nabanggit na Filipino athletes ay pursigidong makasama ang pole vaulter Ernest “EJ” Obiena sa Paris Olympics.

Obiena ang kauna-unahang Filipino athlete na nakapasok sa Paris Olympics ngayon Hulyo. Ang 28-anyos ay nagsasanay at sumasabak sa Europe.