Advertisers

Advertisers

Hamon ni Roque kay PBBM dapat ginawa n’ya noon kay Digong

0 5,104

Advertisers

LOOK!

Hinahamon ng dating presidential spokesman ni “Digong” Duterte na si Atty. Harry Roque si Pangulong “Bongbong” Marcos na sumalang sa hair follicle drug test para raw patunayan na ang alegasyong paggamit nito ng iligal na droga ay walang katotohanan.

Ang hair drug testing ay proseso na ang hibla ng buhok mula sa ulo o katawan ay eeksaminin kung gumagamit ng bawal na gamot ang isang indibidwal.



Sa hair analysis ay malalaman kung ang isang tao ay gumagamit ng iligal na droga, 90 days bago ang testing. Mas epektibo raw ito ng limang beses kesa urine tests.

Ang paghamon ni Roque kay PBBM ay kasunod ng nag-leak na dokumento kuno ng PDEA sa drug ops kungsaan nakatala raw ang pangalan nina PBBM at actress Maricel Soriano noong 2012.



Pinabulaanan ng PDEA ang naturang leaked documents mula sa isang dishonorably dismissed PDEA agent na si Jontahan Morales.

Pero ang isyung ito ay kasalukuyang binubusisi sa Senado ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, “bata” ni Duterte na umano’y kabilang sa mga nagpaplano para patalsikin sa puwesto si PBBM.



Si dating Senador Antonio Trillanes ang nagpahayag sa isang press conference last Tuesday, May 7 ng taon, na isang dating PNP Chief ang nangunguna sa pag-recruit sa mga retirado at kasalukuyang opisyal ng pulisya para patalsikin sa puwesto si PBBM.

Sa senate inquiry, hindi nasagot ni Morales ang mga tanong ni Senador Jinggoy Estrada. Hindi na raw niya matandaan pati ang source ng kanyang impormasyon. Hindi niya rin masabi kung kailan siya tinanggal sa serbisyo. Ngek!

Balikan natin ang hamon ni Roque kay PBBM na magpa-hair follicle drug test. Dapat ay ginawa nila ito noong hinahamon din ang Tatay Digong nila ng kanilang mga kritiko na sumailalim sa drug testing dahil sa mga akusasyon na laging bangag ang dating pangulo. Pero hindi nila ginawa dahil ‘di daw adik ang dating pangulo.

Pero inamin noon ni Digong na gumagamit siya ng Fentanyl para raw pain reliever.

Ang Fentanyl ay isang highly potent synthetic piperidine opioid primarily used as an analgenic. Ito ay 20 to 40 times more potent kesa heroin at 100 times more potent kesa morpina. Mas matindi ang tama nito kesa shabu at cocaine.

Kaya nga nang tawagin ni Digong si Bongbong na “adik na Presidente” ay sinagot siya ng huli na “tigilan na niya ang paggamit ng Fentanyl.” Hehehe…

Actually, hindi lang si Roque ang naghamon kay PBBM na sumailalim sa drug testing. Nauna nang naghamon ang dating Executive Secretary nito na si Atty. Vic Rodriguez na matagal nakasama ni PBBM sa trabaho, mula pa Senador ang huli.

Si Rodriguez ay matagal naging chief of staff ni Bongbong bago naging pangulo ang huli. Siya rin ang naging campaign manager noong 2022 election. Nang manalo si BBM at ginawa siyang Exec. Secretary, ilang buwan lang ay sinibak ito sa puwesto dahil sa mga isyu ng katiwalian. Pati mga inilagay niya sa posisyon ay sinipa ng kampo ni First Lady Liza. Kaya sa sama ng kanyang loob, sumanib siya kay Duterte sa pagwakwak kay PBBM. Now you kow!!!