Advertisers
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.KULONG ang dalawang tulak ng iligal na droga nang makuhanan ng mahigit P300k halaga ng shabu sa buy bust operation sa Navotas City, Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas Police Chief, Colonel Mario Cortes, ang naaresto na sina alyas Wawie, 26 anyos; at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod.
Ayon kay Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim ang mga ito sa balidasyon at nagpositibo.
Sa ikinasang buy bust operation, nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek 1:22 ng madaling araw sa Little Samar St., Brgy. San Jose.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 53.05 grams ng shabu na may standard drug price value na P360,740.00 at buy bust money. (Beth Samson)