Advertisers

Advertisers

Mga sugal sa online dapat lansagin

0 212

Advertisers

DAPAT lansagin ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya na may kakayahang ipasara ang mga website na nagsasagawa ng mga iligal na sugal online.

Oo! Napakarami nang websites para sa mga sugal online. Maliban sa online sabong na hindi matinag-tinag (dahil siguro sa laki ng lagay sa mga otoridad) ay nandiyan ang mga online poker, tong-its, lucky 9, horseracing, etc…

Ang siste ng tayaan ay sa GCash. May mga ahente silang nanghihikayat sa Facebook. Sila na mismo ang magbubukas ng account mo, ibibigay nila ang GCash number nila at maari ka nang tumaya. Kahit pa-piso-piso lang yan, kapag naadik ka ay ubos pati pambili mo ng asin at asukal sa maghapon o magdamag na pagtataya.



Trabaho ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang paglansag sa mga sindikato ng illegal online gambling, pero dehins naman sila kumikilos

Nandiyan din ang Department of Information, Communications and Techonology (DICT) na mayroon pang milyones na intel fund para sa pagmanman sa mga sindikato sa online, pero wala rin naman nagagawa.



Nandiyan din ang PNP Cybercrime Unit at National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division, pero mukhang hindi naman kumikilos para masawata ang mga sindikato ng online illegal gambling kahit na tukoy nila ang mga nasa likod nito. Siguro milyones ang cash-sunduan sa kanila. You know!!!

Tulad lamang nitong online sabong, na lantaran ang promotion sa Facebook, at ang operation ay mula 8:00am hanggang 2:00am. Binabalandra pa nito sa Facebook ang mukha ng mga sikat na sabungero at breeder. At ang nakapagtataka, kung walang kinalaman ang mga personalidad na ito sa operation ay bakit hindi manlang sila nagrereak sa paggamit sa kanilang pangalan sa iligal. Gets nyo’ mga pare’t mare?



Si Pangulong “Bongbong” Marcos ay nag-isyu ng Executive Order 09 na nagbabawal sa lahat ng online gambling partikular online sabong. Inaatasan niya rito ang PNP PAGCOR, DICT at NBI na lansagin ang lahat ng uri ng iligal na online gambling. Pero dehins naman sinusunod ng mga naturang law enforcers. Magkano?

***

KUNG ako kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, for delicadeza ay magbibitiw nalang ako sa pagiging akalde.

Obyus na obyus naman na may mga iregularidad ang pagkagawa sa mga dokumento ng kanyang pagkatao. Kitang-kita rin ang kanyang mga pagsisinungaling. Mismo!

Kung tunay na may delicadeza si Alice, bababa nalang siya sa puwesto. Anyway hindi naman niya kailangan pumasok sa politika dahil mukhang bilyonarya siya, kita sa kanyang luxury cars, may helikopter pa.

May malaking gusali siya na inuupahan kuno ng POGO, kungsaan kasosyo niya ang mga puganteng Intsik. Pero hindi niya raw alam na mga kriminal pala ang kasosyo niya. Animal!

Sa isinasagawang imbestigasyon ng komite ni Senador Risa Hontiveros, kita kita ang mga pagsisinungaling ni Alice. Dapat kasuhan na siya after ng imbestigasyon. Dapat!