Advertisers

Advertisers

KASO NG ‘DIGITAL HARASSMENT’ SA KABABAIHAN, TUTUTUKAN NI CAVITE REP. LANI MERCADO REVILLA

0 61

Advertisers

PAGPAPALAWAK ng karapatan ng bawat kababaihan lalo na may kinalaman sa Batas ng Violence Againts Women and Children ang prayoridad ngayon ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado Revilla upang tutukan ng kaso ng ‘digital harassment’ sa inaabusong kababaihan.

Si Cavite Rep. Revilla ang kumatawan sa kanyang asawa na si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang Keynote Speaker sa ika-46 National Biennial Convention ng National Federation of Womens Club of the Philippines na ginanap noong Biyernes ( May 31 ) sa Diamond Hotel, Roxas Boulevard, Manila.

Ayon kay Revilla pinatunayan din ng kanyang asawa na pinahahalagahan nito ang karapatan ng bawat kababaihan at ang pagkapantay-pantay ng babae at lalaki.



Idinagdag pa ng Kongresista na naniniwala ang kanyang asawang senador na kung kayang gawin ng lalaki ay kaya ding gawin ng kababaihan Kung kaya’t hindi dapat minamaliit ang kanilang kakayahan at kaalaman.

Kaya ang mensahe ng mag-asawang Revilla sa mga kababaihan na ipagpatuloy lamang ang women empowerment at tutukan ang digital harassment na talamak sa kasalukuyang digitalization sa Mundo.



Sa kabila nito,nagpapasalamat naman ang Kongresista dahil mayroon siyang asawa na tulad ni Senador Revilla na isang confident na lalaki na tunay na naniniwala sa kakayahan ng bawat kababaihan.

Sa ngayon, ang pinakakaraniwang anyo ng online harassment, mapoot na pananalita o mga pagbabanta, parehong tahasan at implicit, ay maaaring ibigay ng isang internet user na may masamang intensyon kahit saan sa website. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">