Advertisers
HABANG nakatutok ang mata ng bansa sa mga kaganapan sa Senado, unti-unting namulat ang mga mata ng inyong abang lingkod sa mala-teleseryeng pagdinig sa isyu ni Amnesia Girl Alice Guo at ang matalinhagang buhay niya. Mga pangyayaring mistulang pelikula, may drama, may palaisipan, at minsan, may kahiwagahan. Mula naungkat ang mahiwagang pagkatao niya, tila lumabo ang naratibo niya. Walang katiyakan, lalo na tungkol sa pagkatao ng kanyang ina. Sa maikling salita hindi niya mapatunayan na Pilipino siya.
Ngunit uulitin ko, naging mabuti para sa mamamayan na lumabas ang isyu na ito, dahil naglabasan ang mga kasapakat ni Guo. Mistulang mga ipis na takot sa nagbabadyang dalaw ng mga makabayang may hawak na Baygon. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik, ang mga tinutukoy ko ang mga katulad ng serial-killer ex-president, at mga kasapakat niya sa media at sa pamahalaan. Pinadali nila ang pagpasok ng mga anay na sisira ng haligi ng ating kasarinlan. Sa maliit kong opinyon hindi lang Baygon ang nararapat sa kanila.
Natutuwa ang maliit na peryodistang ito dahil may mga tumatayong mga Pilipino na magpapa-sinag ng ilaw para mabuwag ang mga hanip na ito. Sila ang nararapat na mamuno sa ating pamahalaan. Opo tao lang sila na may kani-kaniyang depekto, ngunit ang mga taong ito ang may isang bagay na lumalantad sa lahat, at ito ang pagpapahalaga sa katotohanan at hindi nadadala sa padrama ng sinuman, huwad at lantay na mga Pilipino na pinahahalagahan lang ang kataksilan at ang kalakip nitong pilak. Marapat lang na nagsisiwalat ito kahit may mga nagsasabing hindi kailangan. Hindi kailangan dahil balakid ito sa kanilang balak?
Hindi mahalaga sa inyong abang lingkod kung ikaw ay maka tsina o maka-US. Sa,akin ito ay parang maka-Nora o Maka-Vilma. Ang mahalaga sa akin sa bandang huli, ikaw ay MAKA-PILIPINO. Sa bandang huli ang kapakanan ng Pilipinas ang inuuna. At ang kabayanihan ng napakaraming nag-atang para sa ating kasarinlan ang pinahahalagahan. Harinawa, magkakaroon ng karampatang batas. na tuluyang magpaparusa sa mga taksil at espiya sa panahon ng katahimikan. Nang ang nagtatangkang sirain ang haligi ay masilayan ng lente, at tuluyang mapuksa. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Mabuhay ang Pilipinas.
***
MAINIT ang usapan ng diborsyo matapos katigan ito ng Camara de Representante ang House Bill 7303 It is expressly stated in Article 15 on The Family, Section 2 of the Charter: ‘Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State. House Bill 7303o Divorce Bill. Ang naturang batas ay gagawing mas madali para sa mga taong naghahanap ng kalayaan mula sa kasalang may kapansanan at hindi na kinukumpuni. Ang naturang batas ay hindi iminungkahi na maaaring tapusin ang kasal na parang pagsindi o pagpatay ng ilaw.
Hindi po ganoon ang layunin ng House Bill 7303. Ang pagpapakasal ay isang kontrata at ang anumang kontrata ay may mga ilang kondisyon na dapat tugunan ng pansin. Isa ay ang tinatawag na “escape clauses.” Kapag ang isang tao ay pumasok sa mapanira o maabusong kasal mayroon “escape clause” na naaayon. Ito ang isinasaad ng House Bill 7303. Ang Poong Kabunian ay nagbigay sa tao ng kakayahan na mamili. Ang bawat tao ay nararapat dito, at kung nagkamali dapat ito bigyan ng isa pang pagkakataon. Isa lang ha.
Hindi ito batas na itinuturing ang kasal sa isang damit na papalitan. Ang diborsyo ay hindi lumang damit na papalitan kapag nadungisan. Ang diborsyo ay hindi laundry. Kaya ang mga kumokontra dito ay sana’y makahinga ng magaan. Bilang tuldok sa isyu ng diborsyo, ang mga taong may masaya at matiwasay na kasal ay hindi dapat magalit o matakot. Ito po sila ang pinupuntirya ng House Bill 7303. Sa mga soltero na kontra sa diborsyo suriin ng mabuti ang nilalaman ng House Bill 7303 at huwag sarado ang pag-iisip tungkol dito.
Sa mga tulad ni Cynthia Villar na tutol sa diborsyo dahil ‘eka niya napakasaya ng pamilya niya e ‘di mabuti. Sanaol. Nasasaad sa Banal na Kasulatan ang pinagbuklod ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalayin; tama ang nakasaad; ngunit ang desisyon na magpakasal ay pasya ng dalawang nilalang, dalawang tao, na isinagawa ng isang ministro na bagaman kumakatawan ito sa Poong Kabunian, tao pa rin ito. Sa pangangatwiran na hinarap ng mga tutol sa diborsiyo oo tao ng sila, na kumakatawan sa Diyos.
Sang-ayon ako. Pero ang Diyos ay binigyan ang tao ng pahintulot at awtoridad sa lahat ng bagay sa mundong ibabaw. Kasama dito ang anumang batas na pahihintulutan niya. At ang House Bill 7303 ay batas. Ito po ay inyong opinyon. Opinyon din kaya ito ng kabiyak mo? Pasensya na sa patutsada. Bilang patuldok, huwag tayo matakot sa pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas. Ito ay batas na magbibigay ng pagkakataong itama ang isang mali. Isang pagkakataon na makawala sa isang mapinsala at nakakasakit na matrimonyo.
***
JokTaym: (Daghang salamat kay Cesar Rio Pascual)
PATAWA NI WIFEY
JokTaym:
(Daghang salamat kay Cesar Rio Pascual)
PATAWA NI WIFEY
Kaninang umaga, nakita ko si Wifey na nakatakip ang mga kamay sa tainga, nakapikit, at mabilis na lumalayo sa TV.
CRP: Bakit nakatakip ang mga kamay mo sa tainga mo?
WIFEY: Nagsasalita si Escudero. Ayaw ko marinig ang boses. Nakakainis.
CRP: Eh, bakit ka nakapikit?
WIFEY: Ayaw ko makita ang kanyang kilay at hikaw. Nakakaasar.
CRP: Bakit hindi mo na lang patayin ang TV?
WIFEY: Paano ko makikita ang remote? Nakapikit ako!
Oo nga naman…
***
mackoyv@gmail.com