Advertisers
SWAK sa kulungan ang magkapatid na lalaki nang makuhanan ng mahigit P10 milyon halaga ng shabu, Biyernes ng madaling araw sa Malabon.
Kinilala ni Malabon City Police chief Colonel Jay Baybayan ang mga naaresto na sina alias” Ian”, 32 anyos; at alias “Shawn”, 25, kapwa residente ng 42 A.Bonifacio St., Barangay Flores, Malabon City.
Sa ulat, 12:30 ng madaling araw nasakote sa buy bust ang magkapatid sa kahabaan ng Barangay Flores.
Nakuha sa magkapatid ang 1,510 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,268,000.00.
Naaresto na si Ian noong September 2023 sa Navotas sa kasong droga, at nahuli naman si Shawn noong 2018 sa Malabon sa paglabag din sa R.A 9165. (Beth Samson)