Advertisers

Advertisers

OMG! 8-MILLION PESOS MONTHLY PAYOLA!

0 39

Advertisers

Mabigat ang akusasyong ipinaparatang ng sources ng inyong lingkod laban sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) patungkol sa malaganap na operasyon ng iligal na sugal at “vertical activities” sa Central Luzon o Region 3.

Patungkol ito sa intelihensiya o payolang kinokolekta ng dalawa kunong bagmen na sina Raniel at Patrick mula sa mga operators ng illegal gambling at iba pang ilegalista.

Kapwa designated “tong collectors” umano sina Raniel at Patrick nina PNP CIDG Region 3 Colonel Panay at isang Maj. Mahinay.



Inutil umano ang pamunuan ng PNP Region 3 Command dahil sa direkta umanong ibinibigay ng mga bata ni Col.Panay at Maj. Mahinay ang koleksyon sa payola sa tanggapan nina CIDG Director Leo Francisco at PNP chief,Major General Rommel Francisco Marbil sa Kampo Crame.

So nag- adopt na lamang ng polisiya ang PNP Region 3 Command na may mantra na ” if you can not beat them, join them” para umano di na mabulabog pa ang umiiral na sistema sa kalakaran ng “intelihensiya” sa kanilang AOR at para ” everybody happy”!.



Resulta,namayagpag sa buong Region 3 ang sandamakmak na iligaslita at illegal gambling maintainers gaya ng operators ng jueteng, sakla, video karera, fruit games, pergalan at iba pang sugal-lupa.

Bukod pa rito ang operasyon ng paihi,pabuga at pasingaw na kontrolado ng sindikato sa pilferage ng mga petroleum products.



Pasok din sa koleksyon ng payola nina Raniel at Patrick ay mga criminal syndicates na involved sa carnapping, kidnap for ransom,gun for hire at extortion.

Sa halip na ” to serve & protect” ang motto ng PNP na dapat ipinatutupad bilang kanilang responsibilidad at tungkulin sa mamamayan,abala ang mga ito ( kapulisan) sa pagpatong sa illegal activities ng mga criminal at vice syndicates.

Ano naman kaya ang masasabi dito ni DILG Secretary Benhur Abalos?

Nganga na lang ba siya forever?

Speaking of DILG,may sariling din umanong kolektor ang nasabing tanggapan na umiikot di lamang sa Region 3 kundi sa buong bansa para mangolekta ng payola.

Oh MY God!

Everybody is busy, happy and aggressive collecting tong,ganun ba yun Sec.Abalos sir?

Para kayong mga minero ng ginto…kanya- kanyang kahig!

Kanya- kanyang hukay ng kayaman mula sa payola!

Speaking of Region 3,may mag- amang kung bansagang ay Hari at Alas ng Region 3 na kahit si PBBM ay sumasaludo nang patagilid!

Eto ay sina alias Doce (12) at Delta.

Kaya naman pala itong si Gen.Marbil ay parang asong askal na bahag ang buntot at nakamukmok lang sa isang sulok!

BFF naman ni First Lady Liza Araneta Marcos ang isang alias Nanay Baby na Reyna naman ng Central Luzon.

Parang sa baraha lang ah,may Alas,Hari at Reyna!

Mistulang wala tayong gobyerno sa ganitong sistema!

Pati mga heneral urong ang bayag laban sa mga iligalista!

Kung minsan,di natin masisisi ang mga ito… tumanggap man sila (PNP generals) o hindi, tuloy pa rin ang ligaya hanggang bulok ang mga namumuno ng bansa.

Ang tumanggi sa grasya ayon sa kasabihan,lumalabo ang mata!

Kaya naman pala 20-20 ang eye vision ni General Marbil!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com