Advertisers
IBANG level din ang powers ngayon ng social media, basta trending, automatic ang expected publicity, ibig bang sabihin, lahat kilala na ang umariba sa socmed? Siyempre hindi, dagdag- publicity lang kung ma-pick up ng iba-ibang platforms at groups.
Humirit ang isyu sa pagitan ni ALAS PILIPINAS athlete SISI RONDINA at POP group SB19. Sa isang show sa South Korea, natanong ang ALAS members kung alin bang performance ang excited silang panoorin. May nagsabing ‘SB19’, pero kay RONDINA, ‘ STARBUCKS (SB) ang alam nya.
Dinumog ng bashers mula sa fan group na A’tin ang ALAS athlete dahil lang di kilala ang SB19 na nakilala sa 800M live stream+views sa isang maangas na performance, ala- F4 na legendary Pop boyband sa Asia mula ilunsad way back 2001 sa ‘Meteor Garden’ up to present at pina-follow pa rin ng milyones sa socmed.
Umaangal ang Volleyball community sa anila’y disrespectful move ng SB19 fan groups kay national athlete SISI RONDINA, na nag-sorry pa kung di man kilala ang SB19. Naglabas naman ng statement ang Pinoy pop group na hindi sila labor sa ikinilos ng fans at tanggap na di lahat ay kilala sila.
Well, honestly speaking, both sides ang nag-benefit publicity-wise.Mas nakilala sila dahil sa isyu na pinatulan sa socmed out of curiosity.
SIDELIGHTS: CYRUS JAMES, AARIBA SA ‘KALMA’ SONG ALBUM
SPEAKING of music world, sa paghirit ng Original Pilipino Music (OPM), paparami pa and shows at outlets showcasing new talents kaya magandang senyales na bukod sa Sports, tinututukan ito sa halip na bisyo at ibang masamang gawain. Well, sabi nga, SANA ALL.
Pride ng Rizal, sabayan ang effort ni CYRUS JAMES sa pagtutok sa pag-aaral at ensayo ng original songs na takdang humirit sa itunes, Spotify at iba pang socmed platforms. Sa katatapos na Junior-Senior (JS) Prom, itinanghal na Mr. Junior si CYRUS sa Tres Ninos Academy at katatapos lang ng 3-year reign niya bilang Mr. Don Jose Memorial School. Tulad ng direksyon ng newcomers, magandang oportunidad ang nakalinya mula sa offer na pagkonsorte sa nagdaang Santacruzan season at performances sa pyestahan at hindi maiwasan ang kaba o excitement sa magandang career development ni CRYUS.
Good luck especially sa paparating na album with carrier single ‘ KALMA’ na mukhang mabentang titulo ngayon. Fourth song na yata ito sa same title na iba-iba ang atake at lyrics sa mensaheng ‘Relax lang’ o hinay-hinay kontra stresls. Kudos!
JUNE HEYDAYS
Happy 5th birthday to ANDREW GABRIEL ‘Andy’ RIVERA ALEJO of Pugadlawin, QC. and to Mam MA. LIBERTY ALBAG of Arellano University. Best blessings and more birthdays to come. HAPPY READING!