Advertisers

Advertisers

MOA NG NAC AT NCMF

0 16

Advertisers

NAGKAPIRMAHAN ng memorandum of agreement (MoA) ang National Amnesty Commission (NAC) at ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) upang mapagtibay ang pagsisikap ng pamahalaan mapaigi ang amnesty program nito, at mapabilis ang reconciliation at reintegration ng mga dating rebelde, na maibalik sila sa tamang lipunan na may maayos at matatag na panununtunan.

Sina NAC Chairperson Leah C. Tanodra-Armamento at ang kapwa niya Amnesty Commissioners Jamar M. Kulayan at Nasser A. Marohomsalic ang nagsipirma sa MoA kasama sina NCMF Secretary Sabuddin N. Abdurahim at NCMF Directors na sina Jehan-Jehan A. Lepail at Michael M. Mamukid at the Philippine International Convention Center (PICC) na ginanap sa in Pasay City noong May 31.

Ang kasunduan na nagsasama ng mga ‘efforts’ ng dalawang komisyon sa pagbibigay ng mga legal advice hinggil sa Republic Act No. 9997 o’ ang National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009 at iba pang legal matters para palalatag ng amnesty sa mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB); Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at ng iba pabg organizations gaya ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front (MNLF).



Layunin ng kasunduang ito ang pagmimentena ng mga naipangakong kaayusan para sa paglalatag ng kapayapaan sa rehiyon.

Sabi nga ni NAC Acting Executive Director Ma. Camille R. Sta. Maria, mahalaga ito upang ang mga dating rebelde ay maibalik sa normal na lipunan nating ginagalawan. Maibalik sa kanila ang mahahalaga nating pinanghahawakang kaugalian tungo sa maayos na pamumuhay.



Ang pagbabalik-loob sa pamahalaan o’ pagsuko at pagwaksi sa dating maling idolohiya ay mahalagang maipamalas ng mga nagsisibalik-loob sa pamahalaan, bago maiproseso ang kanilang pagyakap sa tamang lipunan.

Di nga naman ito isang papel na pinirmahan lamang para masabing may kasunduang naganap. Katibayan ito para sa sama-samang pagkilos sa kapakanan ng dating mga rebelde at ng mga mamamayan nilang napagsamantalahan.



Katibayan din ang MoA na lahat ay naghahangad ng mapayapang komunidad at bawat indibwal na naligaw ng kandas ay mabigyan ng pagkakataon na makapagbago at magsimulang muli.

Kaya nga nagbigay ang Pangulong Bong Bong Marcos ng amnestiya magkakaiba man ang grupong pinaglalanan nito gaya ng RPM-RPA-ABB, CPP-NPA-NDF; MILF, at MNLF, walang ibang hangarin dito kung di pairalin ang kapayapaan at katahimikan ng bansa.