Advertisers

Advertisers

NAKAW DITO, NAKAW DOON

0 2,166

Advertisers

SILIP ang kalungkutan ni Mang Juan sa mga lumalabas na balita hinggil sa mga nakawan na naganap sa bansa. Sa isang pagdinig sa kamara hinggil sa ulat na inilabas ng Commission on Audit hinggil sa hindi maipaliwanag na paglilipat ng P46B mula sa Kagawaran ng Kalusugan tungo sa isang opisina sa ilalim ng Kagawaran ng Badget at Pamamahala, ang PS DBM. Nabatid na nailipat ang nasabing halaga ng alang dokumento ng naglalahad kung paano at saan ang paggagamitan. Walang linaw kung paano gugulin ang halagang P46B na nahungkat ng COA na umabot sa Kamara ang impormasyon na nagbigay daan sa isang pagdinig upang mabatid ang dahilan ng paglilipat at kung sino ang may-utos. At sa pagdinig payak ang pagsasaad ng dating kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, inutos umano ni Totoy Osla ang paglilipat. Ang masakit walang pagsasaad ng sa kung paano at saan ang paggagamitan ng inilipat na bangit na halaga.

Sa paglilipat ng bilyon – bilyong piso ‘di mawala ang pagdududa ng mga kinatawan higit ng nagtatanong sa bakit at paano tinutustos ang banggit na halaga sa panahon ng pandemya. Ang pag-uutos ba’y sa kagalingan ng bayan ng maibsan ang pangamba ng bayan higit ng nakararaming Pinoy o ibig makarami sa panahon ng pandemya? Malaki ang halaga ngunit isa lamang ito sa napansin ng COA bilang anomalya gayung lumubo ang utang ng bansa mula sa P6T sa P13.6T na pasanin ngayon ng Pinoy. Sa kilos ng maraming mga donasyong para sa pandemya, gamot, facemask, at iba pa nariyan ang ‘di maipaliwanag na paggastos ng bilyon-bilyon piso na ‘di batid ang pakinabang ni Mang Juan.

O’ sadyang walang pakinabang ang bayan ngunit hindi ang naghihirap na dating pangulo na ‘di makapagpagamot sa ibang bansa sa kasalukuyan sa kawalan kuno ng salapi. Subalit, hindi mangmang si Mang Juan upang mapaniwala sa kawalan kuno ng salaping pampagamot ng dating pangulo. Minsan ng nabilog ang ulo ni Mang Juan hindi na nasundan sa pamamagitan ng bantay ng bayan o ng COA. Nabatid ang anomalya at napaabot sa bayan at sa kongreso ang paglilipat ng P46B na bulag ang bayan sa pinaggamitan.



Sa kabilang banda ng politika, nariyan ang pagnanais ng maayos na pasilidad ang senado at naglayong mailipat sa may kagandahang lugar sa Lungsod ng Taguig. Sa pagtatayo ng bagong gusali ng senado, naglabas ang isang senador na bangit na hindi bababa sa P9B ang halaga ng pagpapatayo ng gusaling bangit. Sa nabangit ng senadora, hindi usapin ang pinal na gastusin ng pagtatayo sa halip ito’y nakatuon lang sa istraktura na ‘di kasama ang mga ayusin sa loob ng mataas na kapulungan na maaaring umaabot sa P23B.

Sa nabangit na halaga, nagdalawang isip ang kauupong pangulo ng mataas na kapulungan at inutos na pansamantalang ihinto ang pagpapagawa ng gusali ng senado sa Taguig. Hindi malinaw ang takbuhin ng usapin subalit nasisiguro na may kumita at kikita sa pagtatayo ng bangit na gusali. Sa nalamang halaga ng gastusin ng mataas na kapulungan, at ang pagpapahinto ng paggawa, nagkamitsa sa senado na may magaganap na pagsabog na nagreresulta sa muling pagpapalit sa panguluhan ng bangit na kapulungan. Umuugong ang panggagalaiti ng bagong pangulo ng mataas na kapulungan sa balitang may nilulutong adobo na papalit sa kaldereta ng kasalukuyang liderato na ibig ng mga senador. Ang tanong, sa anong dahilan ang palitan ng ulam, ang halagang gastusin o ang ‘di naawat na pagsisiwalat? O’ ang parehong dahilan na nagpapakita ng kahinaan ng liderato ni Keso na sanggain ang paglabas ng impormasyon na nakakasira sa imahe ng Senado?



Sa mga anomalya sa itaas, hindi pa bangit dito ang bilyon bilyong Maharlika Investment Fund na hindi batid ang pakinabang ni Mang Juan. At sadyang pinatatahimik ng magawa ang dapat ng bulag, pipi at bingi ang taong bayan. Sa laki ng gastusin ng bansa sa walang kapararakang mga programa o proyekto hindi makita ng bayan ang pakinabang at puro kwento na walang kwenta ang inilalabas ng opisyal ng bayan. Ang anomalyang kaganapan sa opisina ng pamahalaan na dulot ng mga halal ng bayan ang nakakarimarim na katotohanan. Ang masakit, sumumpa na serbisyo ang gagawin subalit pangungurakot ang ginagawa. Ang pagpaparami ng salapi ang likas na tahakin ng politiko sa bansa, una ang sarili ‘di ang bayan. Ang masiguro na mahahalal sa kinabukasan ang gawa kahit maghirap ang manghahalal. Ang pagsisilbi sa bayan ang bangit ngunit at batid na ni Mang Juan ang gawa. Ang makaipon sa ngalan ng proyekto ang dulo ng matiyak ang sariling kagalingan.

Ang paghihirap sa kabuhayan ng mamamayan ang dahilan na ‘di matagalan. Ang pag-abutin ang dulo ng kita at ang mahal ng bilihin ang karaniwang danasin. Ang ‘di maayos na kabuhayan ang nagsisilang ng pagkadismaya ng tao sa laylayan higit sa panguluhan na alang gawa sa mga anomalyang bumabalot sa pamahalaan. Ang managot ang mga taong may gawa ng anomalya at ang maibaba ang presyo ng bilihin ang hanap na ‘di maibigay ng kasalukuyang pamahalaan. Sa totoo lang, silip ni Mang Juan ang nakaw dito nakaw doon na gawain ng mga opisyal ng bayan. Subalit at ang mahalaga kay Mang Juan ang mababang presyo ng bilihin ng mapakain ang anak na naghahanap ng makakain sa oras. Sa kabilang banda, ang mapanagot higit ang malalaking isda sa pamahalaan ang hanap sa kasalukuyang liderato. Masusing inaantabayanan ni Mang Juan ang mga bangit sa itaas, ang maisalang at mapanagot ang mga sangkot sa anomalya hintay sa kinabukasan.



Sa pagharap sa katotohanang may nakawan sa pamahalaan ang nagtutulak sa bayan sa liderato na kilusan at alisin ang nakawang banggit. Una, ang maalis ang nakawan kilos na maipakita na tunay ang laban sa korapsyon sa pamahalaan. Pangalawa, sampahan ng kaso at panagutin ang may nagawang mali, noon man at sa mga kasalukuyang pamahalaan. Pangatlo, alisin sa pwesto ang walang alam na naitalaga at palitan ng may kakayahan sa pagpapatakbo ng opisina sa pamahalaan. Pang-apat, ipakulong ang may sala, kakampi o kalaban. Panglima, isantabi ang usaping politika sa pagpapatupad ng kaayusan sa pamahalaan. Panghuli, ipakita sa bayan na ang bitbit ng pamahalaan ang kabutihan para sa lahat at hindi ng iilan. Hindi inaalis ng pagpaparami ng kakampi sa politika, subalit maasahan ba ng bayan na may mananagot sa mga nakawan nagaganap. Ang maayos na pamamalakad sa pamahalaan ang ibig ng madama ng walang labis at walang kulang. Hindi maghahanap ng labis higit kung wala sa kapasidad ng lider ng bansa na maibigay ngunit ang iaabot kay Mang Juan ang serbisyong ibig na binanggit sa nakaraan.

Ang mawala ang nakawan sa pamahalaan higit sa mga opisyal at halal ng bayan ang pangarap na hinaharap. Ang pagbibigay hustisya sa bayan sa pamamagitan ng pananagot sa mga sangkot ang asam at ibig magagawa ng pamahalaan. Hindi pansin ang pangungutya, ang malinis ang bayan sa magnanakaw mula kaliwa at kanan ang siyang ibig. Ang mababang presyo ng mga bilihin at ang maalis ang nakaw doon at nakaw dito ay magawa para sa bayan ng pamahalaan.

Maraming Salamat po!!!!