Tabing ng “TMFF ’24” ibinaba na; “Three for 100” kinilalang Best Film
Advertisers
PORMAL na ngang ibinaba ang tabing ng “The Manila Film Festival 2024” noong Martes ng gabi sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall bilang hudyat ng pagkatapos ng pista ng Pelikulang Pilipino kung saan tinanghal na Best Film ang obra ni Cedric Labadia na “Three for 100: o ang tamang pormal ng pag-uukay at iba pang mga bagay-bagay, I think!”
Naging matagumpay ang Gabi ng Parangal, hindi lamang sa pagkilala ng walong mahuhusay na obrang short film ng mga student filmmakers, kundi maliwanag na naihatid ng walong pelikula ang mensahe sa mga manonood, partikular sa mga Manileño na tumangkilik nito sa Robinsons Manila at Robinsons Magnolia.
Sabi nga ni Vice Mayor Yul Servo….”Salamat at minsan pa ay nabigyang daan ng “The Manila Film Festival” ang mga kakaibang talento ng ating mga student filmmakers sa pagpapakita ng kanilang kakaibang at orihinal na kwento sa pamamagitan ng short film”.
Sa kanyang closing remark , sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na sa pagsasara ng TMFF 24 ay pormal naman niyang binubuksan ang pagsisimula ng “The Manila Film Festival 2025” kung saan inaasahan niya na higit na maraming mga student film makers sa buong bansa ang magpapadala ng kanilang entry para sa mas malaking festival sa susunod na taon.
Nagkaloob ng karagdagang cash si Lacuna sa walong direktor na kalahok sa TMFF.
Ang mga nanalong sa katatapos na TMFF ay ang sumusunod: Best Editing
Miggy Francisco, Ang Kuan
Musical Score
Jose Buencamino Unat Huling Sakay
Cinematography
Robert Pareja, Unat Huling
Sakay
Production Design
Three for 100, Badge San Jose
Screenplay
Joyce Ramos and Sharlene Pineda,
Ang Kuan
Jury Prize Award
Una’t Huling Sakay (P100K)
Peoples’ Choice Award
Happy (M);Others Day) P100K
Best Actor
GoldbAceron
Una’t Huling Sakay
Best Actress
It’s a tie
Amber Jesse Gomez (Happy (M) Others Day
Jillian Villavicencio
Ditas Pinamalas
Best Director
Three For 100
Cedric Labadia
Best Film
Three for One Hundred.
(P100K)
Pinagkalooban naman ng simbolikong “Key to the City of Manila” ang apat na director na itinampok sa “The Manila Film Festival”. Sila ay sina Lorenzo Pepe Diokno ng “Lumang Tugtugin”, Sigrid Bernardo ng “May at Nila”, Dwein Baltazar ng “Nananahan” at JP Habac ng Shortest Day, Longest Night”.
Ang “The Manila Film Festival 2024” ay pinamahalaan ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM sa ilalim ni Charlie Dungo bilang direktor. (ANDI GARCIA)