Advertisers

Advertisers

MENSAHE NI BBM SA TSINA

0 58

Advertisers

KAHIT Linggo, nangahas na bumisita si BBM sa kampo ng mga sundalo ng Western Command sa Palawan. Hindi niya kinalimutan na magbigay ng kalatas at ito ay mariing patama sa Tsina. Hindi nais ng Filipinas na simulan ang anumang digmaan sa magkabilang panig. Hindi polisiya ng kanyang gobyerno ang magsimula ng kaguluhan.

Maikli ngunit malaman ang mensahe ni BBM. Masasalamin ang nais ng Filipinas. Walang gulo kaninuman, aniya. Ani BBM: “We are not in the business to instigate wars – our great ambition is to provide a peaceful and prosperous life for every Filipino. This is the drum beat — this is the principle that we live by, that we march by.

“We refuse to play by the rules that force us to choose sides in a great power competition. No government that truly exists in the service of the people would invite danger or harm to lives and livelihood. And that is why, in defending the nation, we stay true to our Filipino nature that we would like to settle all these issues peacefully. And in the performance of our duties, we will not resort to the use of force or intimidation, or deliberately inflict injury or harm to anyone. But at the same time, we stand firm. Our calm and peaceful disposition should not be mistaken for acquiescence.”



Hindi lang pangulo ng bansa si BBM. Ayon sa Saligang Batas, si BBM ang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines at lahat ng unipormadong kagawad na nagpapatupad ng batas sa bansa. Siya ang pinuno ng AFP, PNP, Philippine Coast Guard, at lahat ng nagpapatupad ng batas sa buong bansa. Malinaw na ayaw natin ng gulo.
*
SA wakas, natapos din ang paghihirap ni Leila de Lima, ang senadora na ipinakulong mamamatay tao na pangulo ng pitong taon batay sa mga pinagtahi-tahing ebidensiya. Walang natapatunayan ang hukuman na anumang krimen ni de Lima. Pawang gawa-gawang ebidensya ang iniharap sa husgado ng pangkat ni Gongdi. Ang pangkat ni Gongdi ang kriminal at hindi si Leila.

Panahon na upang balikan ni Leila ang pangkat ni Gongdi. Ihabla niya ang mga nagsabwatan upang sila naman ang makulong. Ihabla niya sina Gongdi, Vitaliano Aguirre, Jose Calida, Menardo Gueverra, at iba pang kasama sa sabwatan. Hindi masama ang tumabla upang ibalik ang pagsira sa buhay niya. Masama ang gumanti ngunit hindi ang tumabla. May pagkakaiba ang pagganti at pagtabla.



Maliban sa pagtabla, marapat na taluntunin ni Leila ang landas na katawanin niya sa alinmang husgado tulad ng International Criminal Court (ICC) at lokal na hukuman ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs), o silang mga pinaslang dahil sa hinala na sila ay adik or tulak sa ipinagbabawal na gamot. Si Leila ang mukha ng katarungan at ito ang mabisang paraan upang bigyan ng katarungan ang mga biktima ng EJKs.

Marapat sumulat si Leila ng bagong aklat na tumatalakay sa kanyang karanasan at paghihirap sa lupit ng piitan. Hindi pa niya nadetalye kung ano ang kanyang pinagdaanan sa pitong taon na pagkulong sa kanya ni Gongdi dahil sa mga gawa-gawang paratang at katibayan. Kailangan maging malinaw ang mga ito sa publiko.



Kailangan na pangunahan niya ang reorganisasyon at pagbibigay buhay sa Liberal Party na tumamlay pagkatapos matalo si Leni Robredo sa halalan noong 2022. Kung maari pangunahan niya ito sa halalan sa 2025. Ito ang mabisang paraan upang manatili ang lapian sa mundo ng pulitika. Kailangan may magpapatuloy kung ayaw pangatawanan ito ni Leni.
***
MAY matinding pananagutan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa kampanya upang isara ang mga tiwaling Philippine offshore gaming operators (POGOs) na may operasyon kahit kanselado ang kanilang mga lisensya. Sa kaso ng Lucky South 99, sinabi ng kanilang manananggol na si Jovito Barte sa isang media forum na isinara ang kanilang kompanya noong ika-22 ng Mayo ng taong ito.

Ngunit sinundan ito ng raid noong ika-3 ng Hunyo. Ginawa ang paghalughog at pagsamsam ng mga katibayan sa compound ng kompanyang POGO sa Porac, Pampanga kahit binawi ng huwes ang search warrant. Lumalabas na ilegal umano ang search and seizure operations sa kompanya noong panahon na nabawi ng hukom ang search warrant dahil walang bisa ito.

Marapat tingnan mabuti ng pamunuan ng PAOCC kung legal o ilegal ang kanilang mga raid. Hindi puede na may mga sabit. Baka sa huli, silang mga pinuno ang dapat magpaliwanag sa kanilang mga ginagawa. Iwasan ang sabit, ito ang payo ng maraming nagmamatyag sa kanilang gawain. Hindi basta-basta ang mga raid.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Do not forget: We, Filipinos, are the first Asian people who revolted against a western imperial power, Spain; the first who adopted a democratic republican constitution in Asia, the Malolos Constitution; the first to fight the first major war of the twentieth century against another western imperial power, the United States of America. There is no insurmountable barrier that could stop us from becoming what we want to be.” – Jose W. Diokno, makabayan, dating senador

“Pakiusap kay BBM: Kung magnonombra ng bagong Deped secretary, huwag iyong ulyanin. A big NO kay Clarita Carlos. Huwag na huwag.” – PL, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@gmail.com