Advertisers
PANIBAGONG grupo ng 500 persons deprived of liberty katao mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ay inilipat noong Biyernes ng hapon ( June 28 ) sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., umabot na sa 5,170 ang bilang ng mga PDL na inilipat mula sa NBP sa varoius operating prison and penal farm (OPPF) sa bansa mula noong Enero ng taong 2024.
Sa 500 PDL na inilipat, 200 ang nagmula sa maximum camp 200 mula sa medium camp at 100 mula sa Reception and Diagnostic Center.
Sinabi ni Catapang na ang mga PDL ay sinamahan ng 100 Corrections Officers na binubuo ng SWAT, Medical personnel at escort teams sa pamumuno ni CCINSP Ronolfo Salonga sa tulong ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard at South Luzon Espressway/Star Toll Mobile Patrol Group.
Ang paglipat ng mga PDL’s ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Kawanihan na i-decongest ang masikip na NBP at dagdagan ang pangangailangan ng lakas-tao ng ating OPPF sa pamamagitan ng kanilang Agricultural Project bilang suporta sa Food Security program ng gobyerno.
Noong nakaraang taon nakapaglipat ang BuCor ng 2, 309 PDLs o mga taong pinagkaitan ng kalayaan.
Dagdag pa Catapang, ang paglilipat ng mga PDL ay bilang paghahanda na rin sa napipintong pagsasara ng Bucor sa 2028. (JOJO SADIWA)