Advertisers

Advertisers

7 katao sangkot sa human trafficking, timbog

0 14

Advertisers

Arestado ng National Bureau of Investigation- Cybercrime Division (NBI-CCD) sa isinagawang entrapment at rescue operation ang pitong indibidwal dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Parañaque City.

Kinilala ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago ang mga suspek na sina Moises Bognot, Jermaine Villanueva, Glenn Paolo Solijin, Darwin Tagalog,Lance Clifford Ungriano, Nighjer Teriote at Zhang Wenyou (Chinese national) dahil sa paglabag sa Section 9 (Qualified Trafficking in Person ) ng RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Director Santiago na ang La Familia Rescue, isang non-profit na organisasyon, sa pamamagitan ng isang liham sa NBI-CCD, isiniwalat na ang ilang mga indibidwal ay nakikibahagi sa human trafficking, na nag-aalok ng mga serbisyong sekswal ng mga menor de edad na babaeng biktima kapalit ng P5,000.00 at sa mga dayuhan kapalit ng P45,000.00.



Sinabi ni Santiago na noong Hunyo 27, 2024, nagsagawa ang NBI-CCD ng entrapment at rescue operation sa Quezon City, na humantong sa pagkakaaresto kay Bognot, Villanueva, Solijon, Tagalog, at Ungriano at pagsagip sa pitong (7) menor de edad na biktima at 3 Russian Nationals at 1 Kazakhstan National.

Ibinunyag ng mga naarestong suspek sa operating unit na ang mga utak sa likod ng prostitusyon ng mga menor de edad at dayuhan ay sina Nighjer Teorite at Zhang Wenyou, na kalaunan ay naaresto sa isang follow-up operation sa isang hotel at casino sa Parañaque City.



Idinagdag ni Santiago na ang mastermind ibinunyag na isang Chinese nationals na nakabase sa Pilipinas ang nag-sponsor ng pagpasok ng mga Russian sex worker sa bansa na nagbigay din ng pabahay at mga kliyente para sa kanila.

Binigyang-diin ni Santiago na ang mga naarestong suspek iniharap para sa inquest proceedings para sa mga nabanggit na paglabag.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">