Advertisers

Advertisers

SINO ANG AHAS SA OPISINA NI STA.ROSA CITY MAYOR ARLENE ARCILLAS?

0 28

Advertisers

Mayabang at ipinagmamalaki pa ng isang alias Boknoy ang pangalan ni Sta.Rosa City Mayor Arlene Arcillas bilang protektor ng kanyang opisyong peryang may sugal sa nasabing siyudad.

Ayon sa ating mga sources dyan sa Sta.Rosa City,Laguna, totoong napasara ang puwesto ng pergalan ni alyas Boknoy ng halos isang linggo makaraang banatan natin ito kamakailan dito sa pahayagang ito ngunit muling nabuksan nang umano’y humirit ng karagdagang timbre o payola ang kung sinong di tinukoy na Herodes na tao umano ni Mayora Arlene Arcillas.

Ang masakit, bukod sa dagdag na timbreng hiningi, humirit pa para sa umano’y campaign funds ng mahal na alkalde para sa nalalapit na 2025 midterm elections.



Wow ha, sana all!

Pero mukhang “fake news” ang ipinagmamalaking ito ng sinungaling na si alias Boknoy.



Walang respeto sa butihing alkalde ng Sta.Rosa City!

Kinakaladkad ang pangalan ni Mayora Arcillas sa kanyang katarantaduhan.



Paging Mayor Arcillas, paki imbestigahan nga po madam itong matabil na si Boknoy kung bakit walang takot banggitin ng direkta ang inyong pangalan bilang patong umano o protektor ng kanyang iligal na sugalan.

Pakiramdaman n’yo rin Mayora Arlene kung sinong Hudas sa inyong opisina na kasapakat ng ogag na si Buknoy.

Madali namang ma- monitor ‘yan Ma’am Arlene sa inyong lokal na kapulusan kung tapat at loyal nga sa inyo ang inyong chief of police .

Nakakapagtaka kasi na ganito kalakas ang loob nitong si Boknoy na magsalita ng mabibigat na pahayag patungkol sa payola at ayuda para sa inyong reelection bid sa darating na 2025 elections.

Mukhang sa kalaban n’yo madam nakapusta itong si Boknoy?

Pero matay man nating isipin, wala tayong alam na puwedeng lumaban kay Mayora Arlene Arcillas.

Ika nga,di pa marahil ipinanganganak ang puwedeng kumalaban at bumangga sa pinagpipitagan at hardworking mayor.

Baka sadyang tarantado lang at matabil itong si Boknoy kaya naglulubid ng kasinungalingan.

Nakakasiguro naman tayo na may patong ditong kapulisan na nagsisilbing kalawang sa imahe ng mahal na alkalde at ng siyudad ng Sta.Rosa.

Biruin nyo,mismong Office of the Mayor ang nagpasara ng sugalan ng kupal na si Boknoy makaraang upakan natin ito,ngayon naman ipinamamalitang Office of the Mayor din ng Sta.Rosa City ang muling nagpabukas makaraan umanong manghingi ng karagdagang payola.

Ang hirap paniwalaan di po ba?

Ang tanong,bakit pumayag ang Sta.Rosa City PNP na magresume ang iligal na operasyon ng pergalan ng kupal na si Boknoy?

May “cashunduan bang naganap?

Anong milagro ang ginawa ni Boknoy?

Ma’am Arlene,mukhang may ilan kayong traydor na tauhan dyan sa city hall.

Walang respeto at delikadesa!

Barya- barya pinapatulan at nagsisilbing Hudas!

Barya- barya pa lamang ang usapan dyan, sununggaban na agad,paano pa kaya kung milyones na kontrata na ang involved?

Sadyang napakahirap talaga Mayora Arlene Arcillas na mag- alaga ng taong asal “ahas”.

Buti pa ang aso, di mo man bantayan, mananatiling tapat at may dignidad.

Umaasa tayong sa malao’t madali ay madi-diskubre ni Mayor Arlene Arcillas kung sino sa mga taong nakapaligid sa kanya ang tinutukoy nating “ahas” at mambubukol!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com