Advertisers
BUNSOD ng tuloy-tuloy na programa ng pamahalaan para mapaluwag ang mga bilangguan, nasa 562 inmates na naman ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCoR).
Sa kabuuan, nasa 14,657 ng mga preso o deprive of liberty (PDLs) ang lumaya na bilang bahagi ng programa ng pamahalaan, “Bilis Laya” na sinimulan noong Hunyo 2022 hanggang 2024.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang 562 inmates na pinalaya, ang 321 ay may maximum na sintensiya, 121 ay pinawalang sala, 98 binigyan ng parole at ang 21 ay binigyan ng probation at ang 1 ay executive clemency (conditional pardon)
Kabilang ang mga ito sa 14,657 na pinalaya ng pamahalaan ang 8,129 natapos na ang maximum na sintensiya, 3,592 binigyan ng parole, 2,468 pinawalang sala, 356 probation, 52 binigyan ng executive clemency sa pamamagitan ng commutation ng sintensiya, 7 binigyan executive clemency sa pamamagitan naman ng conditional pardon, ang 35 nakapag piyansa were out, 7 naaprobahan ang habeas corpus at ang 21 dahil na rin sa iba pang kadahilanan.
Layunin ng programa ang mapaluwag ang mga bilangguan na nasa ilalim ng pamamahalaga ng BuCor.(Gaynor Bonilla)