Advertisers

Advertisers

“BINABAKURAN” NGA BA SI MAYORA?

0 162

Advertisers

May natanggap tayong reklamo o hinaing laban sa ilang opisyal ng Malabon City government patungkol sa umano’y ” pambabakod” na ginagawa ng mga ito kay Mayor Jeannie Sandoval mula sa mga miyembro ng working press partikular na yaong mga reporters ng tabloid newspapers.

Akala natin noon ay sa mga sayawan (public dances) lamang sa plaza ng mga bayan sa probinsiya nangyayari ang mga ganitong “pambabakod” sa mga kababaihan ng mga binata o kalalakihan para wag maisayaw ang mga ito ng iba.

Tight guarding Ika nga kung baga sa larong basketball hehehe!



Diyan pala sa Malabon City Hall ay may ganyan ding style na ipinatutupad ni City Administrator Alex Rosete at ng misis nitong si Chief of Staff (COS) to the Mayor, Madam Joan Rosete sa mga miyembro ng media at sa iba pang kawani ng city hall.

Wala umano puwedeng direktang kumausap o makadaupang- palad si Mayor Jeannie Sandoval na di daraan sa mag- asawang Rosete.



Ayon sa ating source mapapahaba ang pagkakape mo sa Tropical Hut sa Monument Circle dyan sa Caloocan kapag nagsimula ng maglitanya ang mga kaibigan nating reporters na naka- assign dyan sa CAMANAVA.

Mukhang may hinaing talaga sila sa umiiral na sistema dyan sa Malabon City Hall.



Sabi pa nga ng mga kakuwentuhan mga reporters,di na kagaya noong araw ang kalakaran sa Malabon City Hall.

Noon daw panahon ni Mayor Len Oreta,halos regular nilang nakakausap ang alkalde at ang dating Public Information Officer (PIO) na si Bong Padua.

Wala daw ” cordon sanitaire” na nakakapangyayari o ‘yung tila sumisino sa mga kasapi ng media na gustong mag- interview kay Mayor Len Oreta.

Tila diskriminadyon ito at pagmemenos sa personalidad ng mga mamamahayag.

Kahit na yaon mga empleyado ng city hall, regular man,casual,JOs o contractual ay bawal na bawal rumekta kay Mayora Jeannie Sandoval.

Bakit may ” bakurang” nangyayari?

May sikreto bang iniingatan o itinatago sina Mr. and Mrs.Roseta para pagbawalan ang mga taong kausapin si MAYORA Jeannie.

May instructions nga ba ang butihing alkalde para ipatupad ang ganitong polisiya o patakaran?

Sabi pa ng mga nagtatampong reporters, noong araw daw pag nasa CAMANAVA beat ka,personal mong kilala ang apat na alkalde ng Caloocan,Malabon,Navotas at Valenzuela dahil naglalaan. ang mga ito ng “press hour” para makakuwentuhan ang mga miyembro media.

Di tulad ngayong parang tinataguan pa ang mga ito.

Di naman siguro, kilala naman natin si Mayora Jeannie at former Congressman Ricky Sandoval na palakaibigan sa mga reporters.

Ang di lang natin alam eh kung ang mag- asawang Rosete ang ” allergic” sa media hahaha!

Pansin lang natin, tila mas komportable si MAYORA Jeannie na sa social media nito idaan ang pag- cover ng kanyang official at personal activities kesa sa mainstream media.

Halos lahat kasi ng PR ng alkalde ay kino- cover ng kanyang personal videographers para i- download sa kanyang FB or YOU TUBE account na may umaaktong admin personnel na nag- eedit ng content nito.

Uso pa rin ba sa Malabon LGU ang press releases na ipapamahagi sa mga reporters o kuntento na si MAYORA Jeannie sa exposure nito sa social media?

Mukhang yung tradisyunal na interactions ng mga opisyal natin sa gobyerno at media personnel’s ay unti- unting- nawawala na.

Paano naman ang mga hinaing at reklamo laban sa mga opisyal at kawani ng Malabon City kung sa personal FB account ni Mayora Jeannie ipadaraan, eh di mae- edit lang o masasala at talagang di makakarating kay Mayora Jeannie ang katotohanang nangyayari on the ground.

Ito ba ang logic kung bakit ipinatutupad ng mag- asawang Rosete ang tinaguriang “pambabakod” para di dumating sa kaalaman ni Mayora Jeannie ang mga negative issues?

Nagtatanong lang po!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com