Advertisers

Advertisers

P7m pekeng produkto nasabat sa Maynila

0 5

Advertisers

Nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang halos P7M na halaga ng mga pekeng produkto nang magsagawa ng operasyon sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa ahensya, ang kabuuang halaga na ito katumbas ng 45,000 na piraso ng mga fake products.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant, at sinalakay ng NBI-Rizal District Office ang isang bodega sa naturang lugar.



Sinasabing pag-aari at pinapatakbo ito nina Kelvin Chua at Anna Chua at natukoy na ang mga produktong may tatak na TYROLIT ang kanilang iniimbak dito.

Nag-ugat ang naturang operasyon nang inihain ang reklamo laban sa mga nasabing indibidwal para sa paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">