Advertisers

Advertisers

Perfect CONE?

0 40

Advertisers

Oo natatalo rin siya sa mga laro pero parang ang hugis ng Mayon Volcano na almost perfect cone ang taguri sa Amerikanong long-time resident sa Pinas.

Yan si Earl Timothy Cone na head coach ng Gilas Pilipinas. Pagkatapos ng 61 na taon ay nasungkit natin muli ang ginto sa Asian Games.

Tapos ngayon baka makabalik tayo sa Olympics pagkaraan ng mahigit limang dekada dahil din sa tindi niya humawak ng pambansang koponan.



Mahusay talaga si Tim Cone. Pinakamaraming titulo sa PBA kaya respetado ng mga player. May angas nguni’t hindi kasing yabang noong isa diyan. May ipagmamalaking angking galing sa coaching hindi lang sa Pilipinas pero pati pang international.

Mabuti siya pumalit sa ubod ng hangin na dating mentor. Ngayon 9-2 na W-L record niya sa muling pag-handle ng national squad.



***

Kung jeepney ang LA Lakers na sasakyan ay tila iniiwasan ng mga pasaherong minimithi nila papunta ng 2024-25 season ng NBA. Marami-rami na ayaw sumampa sa kanilang behikulo.



Una si Coach Dan Hurley na ginustong manatili sa UCONN kahit mas malaki alok ni Rob Pelinka.

Tapos hindi rin sumama sa kanila sina Klay Thompson, Jonas Valanciunas at James Harden na nais ni LeBron makatabi sa kanilang PUV.

Tanging si DeMar DeRozan na lang na unrestricted free agent ang posibleng jeep nila ang parahin. Yung iba pang tinatarget nila via trade ay lalong kumplikado maganap.

Bulok na ba o gawang China vehicle nina LBJ kaya iniiwasan ng mga ibig nilang maging kakampi ni King James at Anthony Davis.

***

Noong 1980 may isang lalake na humanga nang husto sa isang tennis champion na babae mula sa Romania. Dangkasi’y tumanggap ito ng $40K bilang premyo sa pagkapanalo.

Napanood niya lang ito sa TV pero tumatak sa kanyang utak. Ipinangako niya sa sarili na balang araw ay magiging kampeon din ang mga anak niya sa sport na ito.

Ang problema ay wala pa siyang anak noon at hindi siya marunong maglaro ng game.

Gumawa siya ng plano at pinagsikapan niya itong gawin realidad.

Ibig niya makaahon sa kahirapan sa California.

Nag-aral siya ng game, nangolekta ng mga video at article sa tennis.

Nalagpasan niya pang-aapi ng mga tao dahil itim sila at dukha pa. Siya na mismo humubog sa sport ng dalawang anak na babae.

Pagkaraan ng dalawang dekada ay nagawa niya maging world-class na mga atleta ang magkaptid. Sikat na sikat na sila sa mundo ng tennis.

Ang pangalan ng mag-ate ay Venus at Serena.

Ama nila si Richard Williams.