Advertisers

Advertisers

SADYANG MAYAMAN ANG PINAS

0 2,105

Advertisers

Patunay na mapalad ang Pinas sa maraming likas yaman at silip ang pagnanais ng iba’t – ibang bansa na masakop ang bansa. Sa kagalingan ng siyensiya’t teknolohiya naging mabenta sa Pinoy ang mga gadget na kasalukuyang pinagkakaabalahan ng mga kabataan. Bihira ang kabataan na makikita sa mga lansangan upang maglaro ng mga tradisyunal na piko, patintero at kung anu-anong laro sa nakaraan. Makikita ang karamihan ng bata’t kabataan o ang GenZ sa mga “arcade” o “computer rooms” na nagsusunog ng araw sa nagpapalabo ng mata sa larong gamit ang gadget. Sa pagkakatali sa gawain sa apat na sulok ng silid, nakalimutan ng kabataan maging ng karamihang Pinoy na lumabas at galugarin ang likas na katangian ng bansa. Maganda ang bansa higit sa likas at angkin katangian Marami ang nagpupunta sa mga magagandang lugar sa bansa subalit at nakakalungkot na hindi Pinoy sa halip mga dayong nahuhumaling sa likas ganda ng bansa. O’ ito’y sanhi ng kahirapan na inuuna ang isusubo’t pagpapa-aral ng mga anak sa halip na paglalakbay, tunay na nakakalungkot.

Sa pag-iikot sa bansa, pansin ang pagdami ng mga dayuhan sa bansa hindi lang ang pamamasyal dahil nariyan ang paghahanap buhay. Sa patuloy na pag-iikot sa bansa, napansin ang pagdami ng mga truck na humahakot ng lupa galing sa mataas na bahagi ng mga bayan na napuntahan. At sap ag-uusisa na laman na daan-daang mga truck ang nagbaba ng mga lupa na ‘di batid kung saan dadalhin. Nabigyan pansin ang mga naghihintay na sasakyang pandagat na karga ang mga lupang isinasalin ng mga truck na humahakot at nagbaba ng lupa sa loob ng barge o barko. Sa pagtatanong nabatid na hindi panambak ang mga lupang inililikas sa bansa sa halip may laman itong mga yamang lupa na may pakinabang. Sa pagpapalalim ng pag-uusisa nalaman na sa likod ng matataas at malalabay na mga puno, hungkag ang ilalim nito sa ngalan ng pagmimina na ginagawa sa lugar, mula Luzon hanggang Mindanao. At sa pagdating ng malakas na ulan at bagyo, raragasa ang mga babagsak na puno na lalamon sa bahayan ng maraming katutubo. Hindi pa tapos ang pagmimina, nakaabang muli ang mga truck na magdadala ng troso pababa sa bayan. Doble lagare ang mga oportunista, mina at troso.

Sa pambansang opisina ng DENR, bisitahin ang mga lalawigan ng Agusan Norte / Sur hangang Surigao Sur bilang panimula at may malalaman. Tunay na sagana sa likas yaman ang Pinas mula lupa hanggang karagatan. Subalit ibang uri ang kaganidan ng iilan higit ang lingkod bayan.



Sa pagssaliksik nabatid na kapiraso ang bangit sa itaas sa kabuuan yaman ng bansa at hindi titigil ang pakikipagkaibigan ng maraming bansa sa atin. Mahalaga ang pakikipag-ugnayan panlabas ng bansa subalit sa matalas na isip bakit hinahayaang bungkalin ang kalupaan na nagdudulot ng maraming trahedya sa mamamayan kapalit ng pakikipagkaibigan. Sa katunayan nariyan ang likas yaman ng bansa na ibig makuha ng kapit at mayamang bansa. Ang masakit pumasok ito sa usapang lalaki sa dating pangulo ng bansa. Ang mas masakit, tila ‘di batid ng mangmang na punong bansa ang laki o dami ng likas yaman ng bansa na mawawala o nawala sa usapang lalaki na pinasok bilang pangulo. Sa kamangmangan, hinayaan ang bansa ni Onse na mamalaot at humuli ng ating yaman dagat. At sa pag-aaral, hindi baba sa 10 bahagi ng kabuuang huli ng isda sa buong mundo ang makukuha sa West Philippine Sea hindi China Sea o mahigit na $969.59B na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng bansa. Hindi bangit ang mga bahura at iba pang yamang dagat na binalahura ng mga Tsekwa. Ang masakit walang papasok ni isang kusing sa lukbutan ng bansa subalit bulag si Mang Juan sa salaping pumapasok o pumasok sa lukbutan ni Totoy Osla. At patuloy ang pataksil na gawa at ibig pang mahalal bilang senador ang hindurupot.

Sa kasunduang lalaki ni Totoy Osla at Onse, pumasok ang mga Hukbong dagat ni Onse, maging Recto Bank na dahilan sa pagbaba ang huli ng sarili pamalakaya sa ating karagatan. Sa pagpasok ng mga Tsekwa sa karagatan ng Pinas dahil sa kasunduang laway este lalaki naging marahas ang Tsekwa sa mga pamalakayang Pinoy. At maging ang mga hukbong dagat ng bansa’y tinataboy sa mismong karagatang pag-aari. Pasalamat na lang sa pagpasok ng barkong dagat ng iba pang lahi na nagbibigay ayuda sa hukbong dagat ng bansa upang tumao sa dagat na pag-aari. Malinaw na mahalaga ang karagatang bangit hindi lang dahil sa likas yaman, isaalang-alang ang pagdaloy ng komersyo sa buong mundo na dumadaan sa bangit na karagatan. Na magkakaroon ng kabigatan ang daloy kung hahayaan ang Tsekwa na makamkam ang bangit na karagatan.



Sa pasya ng UNCLOS pag-aari ng Pinas ang WPS, simple lang ang batayan, mga mapang mula pa ng 1700 na likha ng mga dayong manlalayag noong mga panahong bangit. Hindi nagbabago hanggang sa umabot sa 1990 na kung saan ang US Coast and Geodetic Survey ang nagsaad na Atin Ito, Ang West Philippine Sea hindi China Sea.

Hindi tago ang paglalahad ng yaman dagat ng bansa bagkus nabangit minsan ng abogadong si Antonio Carpio na malulula ang Pinoy sa laki ng mga reserbang langis na nasa ilalim ng WPS. Hindi lalayo ang laki ng reserbang langis sa likas yaman ng Saudi Arabia, na aabot sa bilyon bariles. Hindi pa bangit ang biofuel na mapapakinabangan ng bansa ng mahigit sa 130 taon. Sa pag-aaral, sa laki ng bangit na likas yaman, masasabing mayaman ang Pinas. Ang masakit, hinahayaan ng pamahalaan sa ‘di malamang dahilan o baka una ang sariling pakinabang bago ang bayan. At nariyan na nililinis ang ngalan sa halip na aangat ang kabuhayan ng bansa at ng mamamayan. Sa totoo lang, nariyan ang Malampaya na maliit pakinabangan ng bansa kumpara sa dayuhan at ilang sakim na negosyante ng bansa. Nabatid na 10% lang ang napupunta sa kaban bayan habang ang 90% ang pinaghahatian ng mga sakim na dayuhan at kasapakat na negosyante. Hindi said ang makukuhang likas na enerhiya sa Malampaya at patuloy na pinakikinabangan. Walang magawa si Mang Juan kundi ang ngumanga.



Iilan pa lang ang bangit na likas yaman ng bansa na alang pakinabang ang mamamayan ngunit nakakatayo ng balahibo at tunay na nakakapanghinayang kung bakit at anong uri ang tumatao sa pamahalaan ng bansang ito. Tunay na walang pagmamahal sa kapwa, sa bayan maging sa kalikasan ang mga opisyal na una ang sarili. Hindi tatapusin ang usapin at lalagyan ng ikalawang yugto sa susunod na lingo… sundan ang isyu ng Batingaw sa Police Files Tonite.

Maraming salamat po!!!!