Advertisers

Advertisers

Imelda Papin Nakiisa sa Zumba Para sa Kalikasan; Mga Nominado sa Luna Awards

0 30

Advertisers

Ni Oggie Medina

NOONG Hulyo 7, Linggo, sa ganap na 4 p.m. nagsama-sama ang mga sikat na zumba instructors sa Liwasang Aurora sa Quezon City Memorial Circle para sa mga nagmamalasakit sa kalikasan at responsableng mamamayan.

Ang mga zumba instructors na lumahok ay sina Mawee, Mike, Winston, James, Aris at Jason ng Live Love Party (LLP) Crew; Jenito, Camper at Gilbert ng South Vibes Est. 2020; Charly Esquejo at Jayz Blanco ng TML; Mark at Che ng MNL Crew Est. 2018; Lhou at Ace ng Lou & Ace Fitness Group; at Erwin Mendana ng AE5.



“Naiintindihan ko na ang inyong oras ay abala, ngunit humihingi ako sa inyo ng tulong para suportahan ang aming kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagsisikap sa pagsasanay para sa aming mga susunod na tree-planting activities,” saad ni Chairman Marlon Mendoza ng One Movement Inc. (OMI).

Sa pamamagitan ng paglahok para sa kanilang “Zumba Party One Movement Para sa Kalikasan” awareness event ay matutulungan natin sila.



Dumating si Imelda Papin (galing pa siya sa isang charity event para sa mga nasunugan sa Tondo, Manila) upang makiisa sa zumba para sa kalikasan. Kasama niya ang anak, si Maffi, at kapatid, si Aileen.

***



NOMINADO si Vilma Santos para sa pelikulang When I Met You in Tokyo sa LUNA Awards ng Film Academy of the Philippines sa kategoryang best actress. At hiling ko na si Vilma ang magwaging best actress at maging isang National Artist ng Pilipinas.

Ang iba pang nominado sa best actress ay sina Kathryn Bernardo, Maricel Soriano, Marian Rivera at Charlie Dizon. Sa best actor category ay nominado sina Cedrick Juan, Roderick Paulate, Dingdong Dantes, Carlo Aquino at Christopher de Leon.

Sa best director ay nominado sina Pepe Diokno, Sheryl Rose Andes, Mae Cruz-Alviar, Dwein Baltazar, at Rommel Penesa/Conrado Peru.

Sa best best supporting actress ay sina Angel Aquino, Chie Filomeno, Ana Abad Santos, Iyah Mina at Cassey Legaspi ang maglalaban. Sa best supporting actor naman ay sina Elijah Canlas, Piolo Pascual, LA Santos, Pepe Herrera at Achie Adamos.

Sa best picture ay ang mga pelikulang GomBurZa, In His Mother’s Eyes, Rewind, Third World Romance at When I Met You in Tokyo ang magtutunggali.

***

BELATED birthday greetings sa aking pamangkin si Michael Orlina, kina Sidney Valdes, Arjun Tesoro, Ricky Mallari, Laurene Liu Vidal, Julie Mauro Gutierrez, Rowena Romulo, Martha Henson, Fides Serrano, Fil Ramos Azanza, Bong Aguila, Joffrey Ramirez, Car Li Na, at Larry Palco (Hulyo 4).