Advertisers
Ni Favatinni San
HINDI marahil matiis ni Karla Estrada ang mga nababasa niyang negative comments sa kanyang anak na si Daniel Padilla.
Matagal nang naghiwalay sina DJ (palayaw ni Daniel) kay Kathyrn Bernardo.
Sa isang panayam kay Karla, wika nito, “we appreciate your support kay DJ but please no bashing to others. Ipagmalaki ang blessings niya,” pakiusap ni Karla.
Gan’un pa man, aktibo pa rin sa syobis si DJ at okey naman daw sa bago niyang negosyo sa Batangas.
Sure, may proyekto si Daniel sa kanyang home studio. Isa pa, nag-akyat siya ng limpak na salapi sa Star Cinema, hits pa ang mga teleserye sa ABS-CBN. It’s about time, humanap ng kapareha kay DJ para makaalis sa anino ni Kathryn. Kayang kaya niyang mag-lead o magdala ng isang proyekto na siya ang bida, no!
Opppps, no bashing please!
***
RHIANA MAE
VELARDE NAMAHAGI
NG MGA GAMIT
SA ESKUWELA
KAHANGA -HANGA ang ginawang pamamahagi ng mga gamit sa eskuwelahan. Mismo, si Rhiana Mae Velarde, bunsong anak nina Daddy Reo at Mommy Myra, ang namahagi sa mga batang mag-aaral sa piling lugar sa Payatas, Quezon City.
Timing sa pagbabalik eskuwela kaya maraming magulang ang labis na nagpasalamat kay Rhiana Mae.
Aba, ultimate grand winner siya ng “Teen Universe Grand Global Ambassador International 2024,” na ginanap sa Sabah, Malaysia. Sa edad na trese, nag-aaral sa NCBA e may puso talagang matulungin. Siyempre, proud ang kanyang mga magulang.
Ika nga nila, a future beauty queen with a purpose. Siyangapala, nagpapasalamat ang pamilya Velarde sa Crown Star Production ni Mommy Malou, Tatay Robert, at Modelo Icon.