Advertisers

Advertisers

Lalaki senglot sinunog ang bahay

0 14

Advertisers

SINUNOG ng isang lalaking lasing ang kanyang sariling bahay sa Nueva Vizcaya noong Linggo.

Kinilala ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang lalaki na si Emilio Rivera, 47 anyos, ng Barangay Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ng NVPPO, mag-isang umiinom ng alak si Rivera at naghihintay ng makakasama nang biglang nagwala. Inaway nito ang kanyang live-in partner at kumuha ng gasolina at ibinuhos sa kanilang bahay at sinilaban.



Tinupok ng apoy ang bahay ng salarin dahil gawa lamang ito sa mga lumang kahoy.

Agad namang naapula ang sunog habang nagawang makatakas ng salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">