Advertisers
POSITIBO si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa maging kampanya ng bansa sa parating na Paris Olympics.
“Definitely, we will deliver. Definitely, we will surpass Tokyo (Olympics),”Wika ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.
Nagwagi ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa Tokyo mula kay Zamboang City weightlifter Hidilyn Diaz at tatlo pang medalya mula sa boxers Nesthy Petecio (silver), Carlo Paalam (silver) at Eumir Marcial (bronze).
Sa paris, ang Pilipinas ay kakatawanin ng 22 Filipino athletes na pamumunuan ng No.2 pole vaulter EJ Obiena at world champion gymnas Carlos Yulo.
Kabilang sina John Cabang-Tolentino at Lauren Hoffman (athletics); Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza and Elreen Ando (weightlifting); Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Paalam, Petecio and Marcial (boxing); Joanie Delgaco (rowing); Samantha Catantan (fencing); Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar (gymnastics); Kayla Sanchez at Harold Hatch (swimming); Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina (golf); at Kiyomi Watanabe (judo).
Mataas ang kumpiyansa ng Pilipinong atleta dahil sagana sila sa suporta, training, at motivation. Lumustay ng dalawang Linggo sa Metz sa France, na 90 minuto lang ang biyahe sa train papuntang Paris,at 30 minutes by land patungong Germany at Belgium,para sa huling yugto ng kanilang training at acclimatization.
Ang Paris Olympics ay magsisimula sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.