Advertisers
SINIMULAN ng PLDT High Speed Hitters ang kanilang kampanya na panalo sa Pool A ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Ang Rald Ricafort-coached squad,sans service ng Savi Davidson, ay nahablot ang 16-25, 25-22, 24-26, 25-19, 15-12 shocker laban sa undermanned Creamline squad sa unang araw ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Pinamunuan ng Russian import Lena Samoilenko ang opensa na umiskor ng 34 points on 32 attacks at two aces,habang si Kath Arado nagtala ng 24 excellent digs.
Komumpleto sa setup ng PLDT ay si Kim Fajardo na gumawa ng plays matapos umiskor ng 19 excellent sets.
Ang Cool Smashers ay naglaro na wala ang kanilang stars Alyssa Valdez at Tots Carlos,Habang wala si Jema Galanza dahil sa kanyang commitment sa Alas Pilipinas.
Umangat sa Creamline sina Bernadeth Pons 18 points at Michelle Gumabao 16 points, Samantala ang kanilang import Erica Staunton, may 20 points.
Ito ang unang pagkakataon na ang Creamline ay nabigo sa tournament opener sa PVL simula pa noong 2019.