Advertisers

Advertisers

166th Malasakit Center binuksan sa Tabuk City, Kalinga

0 9

Advertisers

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate health committee, ang matagumpay na inagurasyon ng ika-166 Malasakit Center na matatagpuan sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City, Kalinga noong Martes.

Ideya ni Go na pagsama-samahin sa programang Malasakit Centers ang tulong medikal mula sa mga ahensya ng gobyerno—ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office—sa isang lokasyon sa loob ng mga kwalipikadong pampublikong ospital.

“Isang magandang balita ang hatid natin ngayon dahil 166 na ang Malasakit Centers na naitayo sa buong Pilipinas…ang pinakabagong Malasakit Center ay nasa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City,” anunsyo ni Go.



Ang inisyatibang ito ay upang pagaanin ang pasanin ng mahihirap na pasyente na hindi na kakailanganing bumisita sa mga nasabing ahensitya para makahingi ng tulong.

“Tuloy-tuloy lang ang programang ito dahil hindi natin dapat pinahihirapan ang mga pasyente. Dapat tulungan natin sila para hindi na sila pumipila sa iba’t ibang ahensya para makahingi ng tulong mula sa gobyerno,” paliwanag ni Go.



“Huwag na ‘yung sila pa ang lalapit sa atin para magmakaawang humingi ng tulong. Tulungan natin ang mga mahihirap, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo, sa kapwa natin mga Pilipino. ‘Yung mga helpless, hopeless na umaasa sa gobyerno, sila po ang dapat nating unahin,” idinagdag niya.

Itinulak ni Go ang pagtatatag ng Malasakit Centers noong 2018, at kalaunan ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463, na kilala rin bilang Malasakit Centers Act of 2019 na pangunahin niyang iniakda at itinaguyod.



Ayon kay Go, napakahalaga ng mga inisyatiba tulad ng Malasakit Centers para kahit papaano ay nababawasan ang gastusin ng isang pasyente at nailalaan nila ang kanilang budget sa ibang bagay gaya ng pagkain.

Anim pang Malasakit Centers ang operational na rin sa Cordillera Administrative Region. Ang mga sentrong ito ay matatagpuan sa Baguio General Hospital at Medical Center; Benguet General Hospital sa La Trinidad; Far North Luzon General Hospital and Training Center, at Conner District Hospital sa Apayao; at Luis Hora Memorial Regional Hospital at Bontoc General Hospital sa Mountain Province.

Pinasalamatan ni Go ang suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Governor James Edduba. Kinilala rin niya si Vice Governor Jocel Baac, mga opisyal ng DOH sa pangunguna ni Usec. Maria Rosario Vergierre, at mga kawani ng ospital na naroroon.

Sa paglulunsad ng center, namahagi ang Malasakit Team ni Go ng mainit na mangkok ng lugaw sa mga pasyente at kanilang mga kasama, medical frontliners, barangay health workers, at mga kawani ng ospital. Nagbigay din sila ng mga token tulad ng mga grocery pack, basketball, volleyball, at mga relo.

Nakatanggap din ng tulong pinansyal at food packs mula sa pambansang pamahalaan ang 50 piling indigent patients.

Bukod sa Malasakit Centers, idiniin din ni Go ang kanyang pangako na patuloy na susuportahan ang iba pang hakbangin, tulad ng pagtatatag ng mas maraming Super Health Center sa buong bansa sa mga strategic na lokasyon upang mailapit ang pangunahing pangangalaga, medikal na konsultasyon at maagang pagtuklas ng sakit sa mga komunidad.