Good news sa motorista: towing at clamping sa Maynila tigil muna – Mayor Honey
Advertisers
GOOD news sa mga motorista sa Maynila.
Iniutos ni Mayor Honey Lacuna ang pansamantalang paghinto ng clamping and towing operations ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Ang direktiba ay dahil na rin sa dumadagsang reklamong natatanggap ng Manila City Hall mula sa mga motorista sa paraan ng clamping and towing operations ng MTPB.
Sa ipinalabas na memo ng bagong talagang MTPB Officer-In-Charge na si Narciso Diokno III, mahigpit at seryoso ang kanyang babala sa lalabag sa utos ng alkalde.
Sinasaad sa memo na ang lahat ng clamping and towing operations ay pansamantalang ioinatitigil “until further notice.”
“In view of this, all concerned personnel are hereby directed to ensure that no towing or clamping operation will take place,” ayon sa memo.
Saad pa ng memo:”Otherwise, those who will deliberately ignore this directive will be dealt with immediately.”
Ayon kay Lacuna ang direktiba ay ginawa nang naaayon sa interes ng mga residente.
Matatandaan na noong Abril, ay ipinag-utos din ni Lacuna na huwag ituloy ang implementasyon ng city ordinance kabilang ang motorsiklo sa clamping operations, dahil na rin sa mga concerns at reklamo na nakakarating sa kanyang tanggapan kaugnay ng nasabing ordinansa.
Sinasaad sa ordinance No. 8998 na kabilang ang mga motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na maaaring i-clamped kapag sila ay illegally-parked, alinsunod sa kasunduan ng mga alkalde sa p Metro Manila at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang maging banayad ang daloy ng traffic sa national roads at Mabuhay lanes.
Ang pahayag ng lady mayor ay ginawa matapos ang 48-second audio recording ay nag-circulate na nagsasaad ng implementasyon ng ordinance kung saan ang mga illegally-parked motorcycles ay kabilang sa clamping. Ang fake news announcement at ginaya ang paraan ng pagsasalita ni Lacuna. (ANDI GARCIA)