Advertisers
Ni Rommel Placente
WALA pa rin daw dyowa ngayon si Andrea Brillantes at naka-focus muna siya sa trabaho at ilang negosyo.
“Ang lalaki lang sa life ko ngayon ay si Papa God, I think ‘yun ang nakikita niyong glow sa akin siguro ngayon,” sabi ni Andrea sa interview sa kanya ng ABS-CBN News.
Dagdag niya,”Lumalaki ako sa lola ko po and my lola is a Catholic and may pagka-religious talaga siya, so kilala na talaga ang Panginoon matagal na.
“Kailan lang talaga ako nagkaroon ng deep relationship with God, siguro mga two years ago. Hindi lang talaga ako masyadong ma-post about it.
“Ngayon lang talaga ako mas nagpo-post para kasing part na siya ng personal life ko and lahat naman po mayroon pong artista may itinitira at isa po ‘yun sa pinapangalagaan ko kasi ayoko siyang ma-tarnish ng public.”
Samantala, natanong din si Andrea sa nasabing interview tungkol sa pagtanggap ng mga regalo mula sa taong magmamahal sa kanya, partikular na ang mga jewelry.
“For me kasi, hindi naman siya about the money. Ang ring kasi lalo na kung wedding ring ‘yan meron talagang meaning ‘yan kung ano ang value mo doon sa wedding or sa partner mo or how much you are willing to provide for your love.
“Ako po kasi, hindi ako papayag sa 200 just because, nasa personality ‘yun ng way ng binibigay mo sa akin hindi siya sa cost, parang how much are you willing to give or to commit sa relationship.
“Lalo na sa akin, wedding ring ‘yun ang start niyo and symbol ng commitment niyo sa isa’t isa.
“Doon pa rin tayo siyempre kung tama ang value ng pagmamahal niya, kasi mamaya baka sabihin masyado naman ako meterialistic na isipin gusto na sobrang malaking diyamante. Sana both makuha ko in the future,” aniya pa.
***
PAGKATAPOS mag-break ay hindi na nagkaroon ng communication sina Iñigo Pascual at Maris Racal. Pero aminado ang una na nananatili siyang updated sa ilang mga ganap ng huli, at kabilang na nga riyan ‘yung recent breakup ni Maris kay Rico Blanco.
“I saw it, actually watched it. I feel for her. I know it’s tough,” sabi ni Iñigo sa ulat ng ABS-CBN News.
“But I see it in a good light. She’s getting to know herself. She’s choosing herself. That’s something I’m very proud of her,” aniya pa.
Kasunod niyan ay inihayag niya ang kanyang suporta para kay Maris na i-priority muna ngayon ang self-love.
“I’m happy for her for choosing herself, to be strong for herself. Hindi madali ‘yun.
“Minsan, you get blinded by the things you want, the things you’re comfortable with. Like me, going to the States, I feel like it’s a parallel situation.”
“It’s not the ideal move for me, but when you learn about yourself, it’s a big step.”
Taong 2018 nu’ng nag-break sina Maris at Iñigo, at huli silang nagsama sa pelikulang “I’m Ellenya L.” noong 2019.