Advertisers

Advertisers

Ryza Cenon walang pake kung kontrabida, importante may trabaho

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Muling mapapanood sa GMA-7 ang aktres na si Ryza Cenon matapos ang ilang taong paglipat-lipat ng network. Kasama siya sa bagong action-drama series na “Hari ng Tondo,” na tampok sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

Ayon kay Ryza, masaya siyang makabalik sa kanyang dating home network matapos ang mahigit walong taon. Huli siyang naging bahagi ng GMA-7 bago siya lumipat sa ABS-CBN at TV5.

Ginagampanan niya sa “Hari ng Tondo” ang isang kontrabida, isang papel na pamilyar na sa kanya. Naging kapansin-pansin kasi ang pagganap niya bilang Georgia sa dating Kapuso series na “Ika-6 Na Utos.”

Para kay Ryza, hindi isyu kung kontrabida ang kanyang karakter. Mas mahalaga umano na may trabaho siya at mas nae-enjoy niya ang ganitong klase ng role.

Bukod sa kanyang pagbabalik-telebisyon, sinabi rin ng aktres na mahalaga sa kanya ang patuloy na pagtatrabaho dahil may anak siyang inaalagaan.

Samantala, naalala rin niya ang naging sakripisyo niya para sa ilang proyekto, kabilang ang pagpapakalbo para sa pelikulang “Lilim.” Sinundan ito ng iba’t ibang hairstyle para sa kanyang mga ginampanang karakter.

Inaasahang mapapanood ang “Hari ng Tondo” sa GMA-7 pagsapit ng Setyembre 2026.