Advertisers
NILAMPASO ni Tyrhone James Tabernilla ng Pilipinas ang kanyang kababayan Keith Adriane Ilar sa ninth at final round para makamit ang boys’ Under -16 sa standard division ng 8th Eastern Asian Youth Chess Championship sa Cititel Hotel sa Penang, Malaysia Sabado.
Ang 16-year-old na ipinagmamalaki ng Imus City, nagtapos ng 7 points,habang ang Mongolian Burentsegsh Aldar, Chinese Lin Dianqi, at Vietnamese Le Minh Hoang Huynh umiskor ng parehong 6.5 points.
Aldar binulsa ang silver medal habang si Lin nagkasya sa bronze medal matapos ipatupad ang tiebreak points
Tabernilla nagwagi kontra Chinese Junze Chen (Round 1), Malaysian Wei Yang Lim (Round 2), Aldar (Round 3), at Filipino Io Aristotle Nikolai Calica (Round 6).
Nauwi sa draw kay Hong Kong’s Wang Ip Boris Chan (Round 4), Huynh (Round 5), Lin (Round 7), at Malaysian Feng Wei Ferris Lim (Round 8).
Samantala, Filipino Jaymiel Piel ng Ternate,Cavite giniba ang pambato ng Malaysia Ree Herng Shen sa ninth round para maangkin ang Open under-14 title sa 7.5 points.
Malaysian Kavin Mohan umiskor ng 7 points para isukbit ang silver medal.
Mongolian Ganganbars Zev at Chinese Cheng Gongpu nagtala ng parehong 6.5 points pero kay Ganganbars ipinagkaloob ang bronze medal dahil sa pagkakaroon ng mas mahusay na tiebreak points.
Bukod sa pag domina ng kanya kanyang categories, Tabernilla at Piel ay kumita ng FIDE Master titles, Tabernilla nasungkit ang International Master norm.