Advertisers
ARESTADO ang 32-anyos na lalaki nang mahulihan ng iligal na droga (shabu) habang nagpapahangin sa labas ng bahay sa Brgy. Sto Domingo, Quezon City nitong Sabado, July 20.
Kinilala ang suspek na si Jimmy Hizon, Jr., binata, walang trabaho at residente ng No. 8 Don Pepe Street, Brgy. Sto Domingo, QC.
Sinabi ni Pat. Bryan Soriano investigator ng Quezon City Police District Station 1 Laloma nadakip ang suspek sa No. 8 Don Pepe Street, Brgy. Sto Domingo, QC 11:50 ng gabi July 20, 2024 (Sabado).
Nabatid kay Soriano na nagsasagawa ng police operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD station 1 Laloma sa kahabaan ng Don Pepe Street, Brgy. Sto Domingo dahil sa ulat na talamak umano ng iligal na droga sa naturang lugar.
Agad nagsagawa ng operation ang mga pulis upang alamin ang natanggap na impormasyon sa pangunguna ni PLT Guillermo Deudor Jr.
Habang naglalakad sa lugar ang mga pulis sinita nina Cpl. Angelo Biei Paulino at Cpl. Jino Al-Fran Calamanan ang suspek habang nakaistambay sa labas ng kanilang bahay.
Nagtangka pang tumakas ng suspek makaraang sitahin subalit hindi na nakapalag pa matapos itong masukol.p
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang (2) piraso ng sealed heat plastic sachet ng shabu na may timbang na 2 grams at nagkakahalaga ng P 13, 600.00.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)