Advertisers

Advertisers

Bong Go: Malasakit Team naghahanda na sa relief distribution sa nasalanta ng bagyo

0 14

Advertisers

HABANG tumitindi ang tag-ulan matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at ng habagat, nananawagan si Senador Christopher “Bong” Go para sa mas mahigpit na pagbabantay at paghahanda ng mga Pilipino, lalo sa mga lugar na madalas bahain at sensitibo sa kalamidad.

Ang Malasakit Team ni Go ay naghahanda para sa relief distributions at feeding programs na isasagawa sa mga susunod na araw upang tulungan ang mga apektadong komunidad.

“Magbayanihan at magmalasakit tayo sa kapwa upang malampasan ang panibagong pagsubok na ito. Anumang tulong, malaki man o maliit, ay ibigay po natin sa ating mga kababayang nangangailangan,” dagdag niya.



Sa gitna ng mga hamon na dulot ng panahon ng bagyo at tag-ulan, binibigyang-diin ni Go ang kaha-lagahan ng pagpapatibay ng mga mekanismo ng paghahanda at pagtugon sa komunidad.

Sa Senado, patuloy na isinusulong ni Go ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) sa pamamagitan ng Senate Bill No. 188, na kanyang inihain. Ang panukalang batas na ito ay naglalayong pahusayin ang kakayahan ng bansa sa pagpigil sa panganib ng kalamidad, paghahanda at pagtugon sa emergency, at mabilis na pagbangon pagkatapos ng mga sakuna.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">