Advertisers

Advertisers

WATER WORLD!

0 14

Advertisers

ISINAILALIM sa State of Calamity ang buong Metro Manila dahil sa malawakang pagbaha at patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Carina at Habagat nitong Miyerkules.

Ito ay matapos pinagtibayng Metro Manila Council ang resolusyon na nagdi deklara ng State of Calamity sa buong Metro Manila.

Nagpulong ang konseho hapon ng Miyerkules upang pagtibayin ang naging rekumendasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.



Ginawa ni Abalos ang kaniyang rekumendasyon matapos makakuha ng ulat sa iba’t ibang alkalde sa NCR.

Karamihan sa mga lugar sa kalakhang Maynila ay lubog sa tubig baha partikular ang mga siyudad ng Caloocan, Malabon at Navotas.



Pinangunahan ni Abalos ang pulong sa MMC kung saan si Metro Manila Council President at San Juan Mayor Francis Zamora ang nag moved para ideklaraang state of calamity sa NCR kung saan sinuportahan ito ni MMDA head Romando Artes at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabor siya na isailalim sa state of calamity ang Metro Manila lalo at kita naman ang lawak ng mga pagbaha.



Ayon sa Pangulo, nauubos na ang reserved funds ng mga local government units, kaya kailangan na nilang kumuha ng tulong mula sa national government.

Ilang simbahan nalubog din sa baha
HINDI nakaligtas sa baha ang mga simbahan sa Metro Manila, matapos malubog din ang mga ito sa maruming tubig.

Nabatid na Miyerkules ng umaga pa lang ay mataas na ang baha sa San Antonio de Padua Parish at Most Holy Redeemer Parish – Masambong.

Lalo pa itong lumala nang muling bumuhos ang malakas na ulan bandang tanghali.

Ang mga upuan at religious materials ng naturang simbahan ay naglutangan na lamang.

Samantala, simbahan naman ng Holy Family, Quezon City ay pansamantalang ginawang evacuation area.

Nabatid na ang ilan ay magsisimba lang sana ngunit hindi na nakaalis dahil sa pagtaas ng tubig sa paligid ng simbahan.

Naghanda na lang ang ilang opisyal ng parokya para sa pagkain nila at ng mga lumikas.

May mga bata ring dinala sa gusali kaya kanya-kanyang puwesto na lang ang mga parokyano ng local churches sa Quezon City.

Higit 300 pasahero stranded sa mga pantalan sa Luzon – PCG
UMABOT sa kabuuang 354 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa Luzon nitong umaga ng Miyerkules sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina at haba-gat.

Ayon sa Philippine Coast Guard, may 31 ding mga barko, isang motorbanca at 34 na rolling cargoes ang stranded habang 8 vessels at 1 motorbanca ang namalagi muna sa Southern Tagalog at Bicol regions dahil sa bagyong Carina.

Mula sa 354 katao na stranded, 209 dito ay nasa mga pantalan ng Southern Tagalog at 145 naman sa pantalan sa Bicol.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang mga evacuation efforts ng ahensiya sa mga residenteng na-stranded dahil sa mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

DOH nagdeklara ng Code White Alert sa mga ospital
NAGDEKLARA na ang Department of Health (DOH) ng Code White Alert sa lahat ng Centers for Health Development nito sa regional offices sa buong bansa gayundin sa Ministry of Health sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) sa gitna ng mga pag-ulan dala ng habagat na pinaiigting ng bagyong Carina na nagdulot ng mga pagbaha.

Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang publiko sa panganib na dulot ng Leptospirosis sa kalusugan dahil sa mga baha.

Ayon sa DOH, maaaring makapitan ng Leptospirosis sa pamamagitan ng paglusong sa baha o paghawak sa putik, lupa o dumi matapos ang baha meron man o walang visible wounds o sugat at sa pamamagitan ng exposed na balat sa tubig baha.

Matagal naman bago lumabas ang sintomas ng sakit na umaabot ng isang buwan.

Para maiwasan na madapuan ng sakit, mayroong antibiotics na maaaring inumin gaya ng prophylaxis na nangangailangan ng prescription kayat maiging komonsulta sa pinakalapit na doktor o health ceneter sa loob ng 24 oras matapos na lumusong sa mga tubig baha

Ipinayo naman ni Health Secretary Ted Herbosa na mas mabuting umiwas sa baha at putik para makaiwas sa Leptospirosis. Sa mga kailangangang lumusong, gumamit ng bota hanggang tuhod.

Hugasan agad ang katawan ng malinis na tubig at sabon pagkatapos. Kumonsulta agad sa doktor at huwag maging kampante kasi matagal lumabas ang sintomas.

Sa datos noong Hulyo 13, nakapagtala na ang DOH ng 1,258 na kaso ng Leptospirosis sa bansa, 41% na mas mababa kumpara sa parehong period noong nakalipas na taon na nakapagtala ng 2,150 cases.

Tumaas ang kaso ng sakit mula June 2 hanggang July 31 sa Zamboanga Peninsula, CARAGA, SOCCSKARGEN, Western Visayas, MiMaRoPa, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.

Iniulat din ng DOh na nasa 133 na ang bilang ng nasawi dahil sa Leptospirosis base sa datos noong Hulyo 13.

Inaasahan naman na tataas pa ang nasabing bilang dahil sa late reports at sa nagpapatuloy na pag-ulan na nagdudulot ng malawakang pagbaha.