Advertisers

Advertisers

BAWASAN ANG BUDGET NG OVP

0 39

Advertisers

NAPANOOD namin ang programang Facts First noong Martes ng gabi at natuwa kami ng ipahayag ni Winston Casio, tagapagsalita ng President Anti Organized Crime Commission, na pinag-aaralan ng magkakasamang ahensya kontra POGO ang lalim ng pagkasangkot ni Harry Roque sa isyu nga mga tiwaling POGO sa bansa.

Sa himig ng mga salita, sinabi ni Casio na kumbinsido ang mga ahensiya na pinangungunahan ng Department of Justice (DoJ) na nagsisinungaling si Roque sa kanyang mga pahayag sa Senado at kahit sa media. Marami siyang itinatago, aniya. Bukod diyan kumbinsido ang mga ahensiya na may malaking papel si Harry sa mga POGO, lalo na ang mga ilegal.

Nalulungkot kami sa kapalaran ni Roque. Mula sa isang pinipitagang manananggol ng mga api na niyurakan ang kanilang karapatang pantao. Dahil sa sobrang ambisyon at kawalan ng paggalang sa sarili, mistulang fixer siya ng mga isinusukang POGO sa bansa. Masahol pa sa puta ang papel ni Harry sa buhay.



May pahayag si Sen. Risa Hontiveros kay tungkol kay Harry:

Hindi lang basta-bastang Chinese ang nagtago sa sinasabing bahay ni Harry Roque. Itong si Sun Liming ay bigating pugante na nasa Red Notice ng Interpol.

Sabi ni Roque ang may-ari ng bahay ay PH2 corporation na ang majority shareholder ay Biancham Corporation, kung saan incorporator siya at mga associates niya. Inamin din ni Roque na may bantay siya mismo sa bahay, at supervised niya ang nangyayari dun.

Kaya nakapagtataka na sa dami ng bahay sa Pilipinas kay Roque pa talaga napunta ang pugante.

Ayon sa PAOCC, IT manager si Liming ng Lucky South 99, ang POGO na tinulungan ni Roque aregluhin ang mga utang sa PAGCOR. It appears this fugitive and Roque run in the same circles.

Nakakabahala ang dami ng mga dayuhang kriminal na sa bansa dahil sa POGO. While a ban was already announced, we in the Senate need to craft measures to ensure that this industry never comes back again.
***
TAMA ang ginawa ni Sara Duterte. Hindi humingi ang OVP ng confidential at intellgence fund sa ilalim ng panukalang pambansang budget na P6.352 trilyon sa 2025. Bakit nga hihingi kung hindi ibibigay ng Kongreso?



Wala sa mood ang Kongreso na basta ibigay ang gusto ng laki sa layaw na pangalawang pangulo.

Ngunit hindi kami kumporme na basta walang confidential at intelligence fund ang OVP. Dapat bawasan ang panukalang budget ng OVP sa 2025. Masyadong malaki ang budget na mahigit sa P1.5 bilyon sa isang opisina na walang ginagawa.

Tama ang panukala ng isang netizen. Kung nabawasan ng pamunuan ng PNP ang security detail kay Sara, bakit hindi bawasan ng Kongreso ang budget ng OVP? Walang malinaw na trabaho ito kundi bilang pamalit sa nakaupong pangulo kung may mamatay o magkasakit.

Naalaala namin na itinaas ng Kongreso kahit walang sapat na dahilan ang budget ng OVP mula sa mahigit P700 milyon noong 2022 sa mahigit P1.2 bilyon noong 2023. Binigyan pa ng confidential at intelligence fund si Sara. Ngayon, walang katwiran na manatili ang malaking budget ng OVP. Wala itong malinaw na programa na gagampanan sa bansa.
***
HINDI kami bilib sa batikos ng ilan komentarista sa radyo at socmed na hindi dapat ipinasali ng bansa ang mga atletang hindi ipinanganak at lumaki sa Filipinas na ipinadala sa Paris Olympics. Hindi sila umano mga Filipino. Teka, teka.

Saan kukuha ng atleta ang bansa? Iyan ang isyu na hindi nila nilinaw. Basta huwag ipadala dahil hindi sila ganap na Filipino. Kakitiran ng pag-iisip ang kanilang paninindigan. Pakibasa ang post ng isang netizen.

They are athletes of Filipino descent. They are born and raised elsewhere. This is not their choice. Accidents of birth don’t involve much choice. It’s not their fault. They’ve chosen to play their sports. They’ve chosen to represent the Philippines. Shall we fault them for their choice? No. Not in any way. We rejoice when they’re victorious, but we comfort them when they lose. In victory and in loss, we join them. That’s competition and we understand it. Whatever happens, we embrace them, we hug them, we kiss them, and altogether we shout ‘Mabuhay!

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Many people hardly have an understanding of the national budget. Well, the national budget is the compendium – or summary – of our national policies. The national budget contains all major policies. We spend the biggest on education because it is our national policy to educate our people, especially the youth. We spend big amounts for health care because it’s our national policy to promote the health of our people. The increases and decreases in the budget of certain areas and issues indicate our priorities or increases and decreases of their importance in our public life. Budgetary insertions could mean virtual amendments of existing public policies. Hence, we have to keep a keen eye on the national budget. It is not an ordinary piece of legislation. It does not a mere list of state expenditures… It goes beyond the list of state expenses. Public policy is most important.” – PL, netizen, kritiko

“VP Duterte started with 433 security personnel, over 4x that of VP Leni who only had 108 in 2016. It was 433 less 75 is still over 350 soldiers. In contrast, VP Leni’s detail was reduced to just 83 by 2020. We never made an issue of it. No ‘open letter.’ No tantrum. No drama.” – Barry Gutierrez, former spokesman of the Office of the Vice President under VP Leni

***

Email:[email protected]