Advertisers
Nalambat ang isang high-value individual makaraang makuhanan ng iligal na droga nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni PCol Nixon Cayaban ang suspek na si alias ” Carding “, ( HVI/Pusher), 38, residente ng Maynila.
Sa ulat kay Valenzuela police chief PCol.Nixon Cayaban, 11:30 ng gabi ng maaresto ang suspek sa 1st Street Barangay Marulas, Valenzuela City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit matapos ikasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.
Nasamsam sa suspek ang P714k halaga ng shabu, buy-bust money, at isang unit ng gray iPhone 6 cellphone.
Sasampahan ng paglabag sa Sec. 5 at 11 under Art ll of R.A 9165 ang suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)