Advertisers

Advertisers

P394k shabu nasamsam sa Malabon

0 47

Advertisers

Pinapurihan ng Northern Police District (NPD) ang Malabon City Police Station sa pamumuno ni PCol. Jay B Baybayan, Chief of Police nang maaresto ang isang hi-value individual sa iligal na droga.

Kinilala ni PCol. Jay Baybayan ang suspek na si Alias Bobby, HVI, 41, residente ng Valenzuela City.

Sa ulat, 4:30 ng madaling araw ng Biyernes, August 2, 2024, nang maaresto ang suspek sa Banana Road corner University Avenue, Barangay Potrero, Malabon City ng mga tauhan ng SDEU-Malabon CPS.



Sa ulat, nasamsam ang 58 grams ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P394,400.00.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">