Advertisers

Advertisers

Sanggol, tinakpan ng unan at inupuan ng adik na ama

0 44

Advertisers

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang inabot ng 11-buwan na sanggol nang takpan ng unan at upuan ng sarili niyang ama sa Taguig City.

Ayon sa report ng pulisya, nagtalo ang ama at ina ng sanggol na nauwi sa sakitan kaya umalis muna ang nanay ng biktima.

“Nag-text itong lalaki doon sa babae na ‘Kapag hindi ka bumalik, papatayin ko itong bata,'” sabi ni Police Major Cherrylyn Agtarap, PIO ng Taguig Police Station.



Pagkaraan ng ilang oras, nabalitaan nalang ng ginang na patay na ang kaniyang bunsong anak.

“Ang nangyari, tinakpan ng salarin ng unan. After niya takpan ng unan, inupuan niya pa ‘yung bata hanggang sa mamatay,” sabi ni Agtarap.



Matapos isakatuparan ang krimen, nagpakamatay din ang ama.

Inilahad ng kapatid ng lalaki na nabilanggo noon ang kaniyang kuya dahil sa iligal na droga.



Noong nakakulong, may iba umanong kinasama ang ina ng bata at tumuloy pa ito sa kanilang mismong bahay.

Itinanggi ng ina ng biktima ang paratang sa kaniya.

Ayon sa kaniya, ilang beses nang nagbanta ang mister na papatayin ang kanilang anak, ngunit hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang hindi ito kayang gawin ng asawa.

Inaalam pa ng pulisya kung gumamit ng iligal na droga ang mister bago mangyari ang insidente.